Markus Paterson nakatikim ng talak kay Cristy Fermin: Madaldal kang masyado Bandera

Markus Paterson nakatikim ng talak kay Cristy Fermin: Madaldal kang masyado

Therese Arceo |September 22,2022
share this

Markus Paterson nakatikim ng talak kay Cristy Fermin: Madaldal kang masyado

Therese Arceo - September 22, 2022 - 03:19 PM

Markus Paterson nakatikim ng talak kay Cristy Fermin: Madaldal kang masyado
NAG-REACT ang kolumnistang si Cristy Fermin sa naging pahayag ng aktor na si Markus Paterson patungkol saina ng kanyang anak at dating karelasyon na si Janella Salvador.

Matatandaang nag-trending ang aktor matapos itong magsalita sa podcast na “Boys After Dark” na isa sa kanyang mga natutunan niya ay “never to f*cking date someone in the industry.”

Matapos nito ay muling naglabas ng pahayag si Markus at sinabing hindi naman niya pinatutungkulan ang kanyang dating dyowa.

“What I said in the podcast wasn’t actually about her but I understand that it was open to misinterpretation because of the way I phrased it [and] since we never actually announced our break up,” lahad ng aktor.

At sa ikatlong episode nga ng podcast ay muling nagsalita si Markus dahil patuloy pa rin ang mg alla negatibong komento na natatanggap niya.

Aniya, nagkahiwalay man sila ng landas ay hindi pa rin mawawala sa puso niya ang ina ng kanyang anak.

“I respect Janella to the utmost of my ability. The woman that she’s become, the mother that she’s become. I will love her forever. She’s given me the best gift of my life. ‘Yun lang,” saad ni Markus.

Dagdag pa niya, “Biggest blessing, of course, yeah, Jude. Jude is for sure my biggest blessing. And the fact that she’s the one who gave him to me, I will never not love her. Maybe not romantically anymore but she will always be a huge part of my heart.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Markus Paterson (@markus)

At sa episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, September 20 ay napag-usapan nila nina Morly at Romel ang kontrobersyal na aktor ngayon.

Aniya, mahilig raw itong “maghugas kamay” sabay ungkat ng naunang pahayag ni Markus.

“Dapat mag-alcohol ka pa para hindi ka nalalagay sa alanganin. Eh papaano yung mga pinagsasabi mo na ‘wag makikipag-date sa taga-showbiz? Bakit, gusto ka rin ba ng mga taga-showbiz?” maanghang na komento ng kolumnista.

Dagdag pa niya, “Naku, tantanan mo kami, Markus Paterson. Madaldal kang masyado. May langis ang dila mo. Wala ring goma. Walang goma, tuloy-tuloy. Lastikuhan mo ‘yan nang nababantayan mo.”

Hirit pa ni ‘Nay Cristy, “Matapos mo magsalita ng kung ano-ano tungkol kay Janella, ngayon babawiin mo? Na mamahalin mo siya forever? Sabihin mo ‘yan sa mga marino.”

Samantala, nananatili namang tahimik si Janella sa kabila ng pagkakadawit ng kanyang pangalan matapos nga ang mga pahayag ni Markus.

Marahil ay abala ito sa kanilang anak na si Jude pati na rin sa mga ongoing projects niya gaya ng “Darna” na talaga namang inaabangan ng madlang pipol.

Ayon naman kay Marcus ay nananatili namang maayos ang relasyon nila ni Janella sa kabila ng paghihiwalay at ang focus nila ay ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak.

Related Chika:
Markus Paterson mas bet ang morena, may hugot sa ‘TOTGA’

Markus Paterson ‘almost a year’ nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude

Markus Paterson ‘bugbog’ sa netizens matapos mag-dialogue ng, ‘Never to fu*king date someone in the industry!’

Janella, Markus madalas daw mag-away noong magka-live in pa, naririnig mismo ng mga kapitbahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending