Markus Paterson pumayag makipaghalikan kay Alex Diaz

Markus Paterson pumayag makipaghalikan kay Alex Diaz

Reggee Bonoan - June 12, 2024 - 07:48 PM

Markus Paterson pumayag makipaghalikan kay Alex Diaz

Markus Paterson at Alex Diaz

“THERE’S a fruitcake for everybody, there’s a fruitcake for everyone and we are happy to share our fruitcake with you guys!”

Ito ang bungad na pahayag ni Alex Diaz sa ginanap na premiere night ng barkada movie nilang “Fruitcake” na idinirek ni Joel Ferrer.

Sakto ang pagpapalabas ng pelikula ngayong araw, June 12 sa mga sinehan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan pati na rin ng Pride amonth.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil bumilib kami kay Alex sa karakter niya na may maganda at sikat na girlfriend played by Kaila Estrada pero mas pinili ni si Marcus Paterson.

May kasabihan nga kahit na anong tago ng tao ng kanyang nararamdaman kapag na-trigger ito ay lalabas kung sino talaga siya at ganito ang nangyari kay Alex na nu’ng nagkaroon sila ng aksidenteng kissing scene ni Marcus ay nagustuhan niya ito hanggang sa nagtuluy-tuloy na.

Baka Bet Mo: Markus Paterson ‘almost a year’ nang hiwalay kay Janella: Our only priority is Jude

Kuwento ni Alex sa karakter niya, “Activist and star player sa varsity at sobrang nag-enjoy ako sa role ko rito, di ba Marcus?”

“Oo naman, ako sobrang nag-enjoy ako, I really had fun and yeah ako rito si Daks, we’re both athlete, we’re both swimmers pero my unathletic body. Sana ma-enjoy n’yo,” say naman ni Markus.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Marami ang nagulat sa ex-boyfriend ni Janella Salvador at ama ng kanyang anak na si Jude dahil napapayag itong magkaroon ng kissing scene sa kapwa lalaki at sa pagkakaalam namin ay first time niya ito.

Wala na namang nagulat kay Alex dahil unang-una ay umamin naman siya sa kanyang sexual preference at may movie na rin siyang ganito rin ang karakter niya, sa Hollywood musical movie na “Glitter and Doom.”

Naaliw din kami kay Joshua Garcia bilang probinsyanong ex- boyfriend ni Heaven Peralejo na nasa Maynila para mag-aral at may sugar daddy. Sabi nga ng aktres ay laging ganito ang napupuntang karakter sa kanya.

Going back to Joshua, naka-crop top siya ng shirt ng babae na hiniram niya at halos buong pelikula ay ito ang suot niya. Okay lang sa kanya kahit saan siya magpunta at kahit magmukha siyang katawa-tawa.

Pari na naman ang karakter ni Enchong Dee at siya ang laging gumagabay sa kapatid niyang si Ria Atayde bilang nabuntis ni Empoy Marquez na walang planong pakasalan dahil nabuo ito na lasing sila pareho.

Baka Bet Mo: Joshua Garcia, Markus Paterson bagong ‘love team’…at may kinilig?

Parang na-manifest ni Ria ang karakter niyang buntis dahil maugong ang balitang buntis siya ngayon sa panganay nila ng asawang si Zanjoe Marudo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Markus Paterson (@markus)


Hindi namin bet ang karakter ni KD Estrada na sobrang OA bilang mama’s boy na hinaluan din ng pagka-eng-eng at sobrang takot na ma-checkpoint ng mga pulis dahil baka mabuking na may bitbit siyang marijuana leaves, na tuyong dahon lang pala ng papaya kaya pinagtatawanan siya.

Todo emote at todo acting naman si Victor Anastacio na nakilala noon sa O Shopping na ang karakter ay breadwinner ng amang walang silbi na si Joel Saracho at kapatid na bulakbol sa klase played by Noel Comia, Jr.

Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok ni Victor para may panggastos sa tatay at kapatid pero sa kabila no’n ay hindi siya nakakapag-enjoy sa buhay dahil lagi siyang stress kaya nagkaroon ng mild stroke at dahil kay Queenay Mercado na siomai vendor at fan pala ng binata kaya nagkaroon ng kulay ang kanyang buhay.

Si Jane Oneiza ay tattoo artist na nilagyan ng tattoo si Joshua at later on ay nagkagusto sa binata pero hindi sila nagkatuluyan dahil mas ginusto nitong bumalik ng probinsya at mag-alaga ng manok at baboy.

Sina Macoy Dubs, Donna Carriaga, Karina Bautista, Kat Galang ay mga kaibigan naman ni Heaven na nag-aabang lagi kung ano ang dala nitong pasalubong galing sa kanyang sugar daddy na ginampanan ni Dominic Ochoa na isang politiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At kaya R-16 ang ibinigay na rating ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ay dahil sa naughty ang pelikula pero may redemption naman ang bawa’t karakter sa ending.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending