Joshua sa relasyon niya kina Kathryn at Daniel: Walang lamangan

Joshua sa relasyon niya kina Kathryn at Daniel: Walang lamangan

Ervin Santiago - June 05, 2024 - 12:05 AM

Joshua sa relasyon niya kina Kathryn at Daniel: Walang lamangan

Joshua Garcia, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

KAHIT naghiwalay na ang ex-celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay pareho pa rin silang kaibigan ni Joshua Garcia.

Yan ang kinumpirma ng Kapamilya actor nang matanong tungkol sa estado ng pagkakaibigan nila nina DJ at Kath ngayong hiwalay na ang dalawa.

Sa panayam ng ABS-CBN sa binata, nabanggit nitong maayos pa rin ang friendship niya kina Kathryn at Daniel, ang dalawa sa mga itinuturing niyang BFF sa mundo ng showbiz.

Baka Bet Mo: Romnick sa hiwalayang Kathryn-Daniel: ‘Wala akong kakampihan, pero…’

Kasama ang aktor sa grupo ng KathNiel kung saan katropa rin nila ang mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde at sina Alora Sasam at Sofia Andres.

Pahayag ni Joshua, “Kasi pantay-pantay ako sa barkada ko eh, walang lamangan. Buti na lang may respeto lahat.

“Hindi sila ‘yung matampuhin. Matatanda na rin naman sila and they’ve remained matured,” chika ni Joshua.

“Doon naman din ako pumoposisyon. Ayoko rin naman nang may kagalit, mahirap din, eh.

“Ang liit lang ng industriya namin tapos may kagalit pa, or mag-iiwasan pa kayo,” dagdag ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BENCH/ lifestyle + clothing (@benchtm)


Samantala, pinasaya ni Joshua ang mga namamasyal sa Luneta Park nitong nagdaang Lunes nang game na game siyang nakipag-selfie sa mga ito.

Baka Bet Mo: Joshua damay din sa KathNiel breakup, panglalaglag kay Daniel fake news

Namigay din siya ng fruitcake sa mga naroon bilang bahagi ng promo ng kanyang latest movie na “Fruitcake” kasama ang ilan pang Kapamilya stars tulad nina Kaila Estrada at KD Estrada.

“Masaya to. Sobrang comedy. First time kong mag-comedy and pang-barkada. Masaya siyang panoorin kapag kasama mo ang friends mo.

“Hindi lang ito isang istorya. Marami siya. May istorya ko, may sari-sarili kami and eventually magdidikit-dikit siya sa dulo, para siyang ‘Jologs,’” ang pagbabahagi ni Joshua.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tanong kung kering-keri na ba niyang sumabak sa comedy dahil nga nasanay ang mga manonood na napapanood siya sa drama, “Sa tulong ni Direk naalalayan naman ako, so sana matawa ang mga tao.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending