EXCLUSIVE: Alex Diaz sa Pride Month: ‘We’re Pinoys with different stories’
MAY mensahe ang singer-actor na si Alex Diaz ngayong ipinagdiriwang ang Pride Month.
“My little babies, I love you guys so much and I want you guys to know that for a lot of our lives, maybe you felt like you are hiding…maybe you felt you’re late in life because you spent so many years hating yourself, but God’s timing is always perfect,” sey niya nang hingan namin siya ng inspiring message para sa mga kapatid nating LGBTQIA+ community.
Kasunod niyan, nabanggit niya ang pinagbibidahan niyang queer musical film na “Glitter & Doom” at tila ibinunyag ang mapupulot na inspirasyon mula rito.
“I hope that when you see this film [‘Glitter & Doom’], you will realize na you can be with somebody with imperfections,” sambit niya.
Dagdag pa niya, “I hope that ‘Glitter & Doom’ shows you a world where love is love and I hope it will inspire you to keep fighting for SOGIE (sexual orientation, gender identity, and gender expression) equality sa Pilipinas.”
Baka bet Mo: EXCLUSIVE: Alex Diaz lilipad pa-Canada, susubok ng iba pang int’l projects
Paalala din ni Alex, “Bilang mga members of the community, it’s our job, it’s our responsibility to lead by example.”
“There’s gonna be people who are more fortunate than us that are going to be judging us, that are going to be ignorant. But we have to lead by example and show them that we’re all just Filipinos with different stories,” aniya pa.
Ang “Glitter & Doom” ang kauna-unahang international film ni Alex na mapapanood exclusively sa Ayala Malls Cinemas.
Katambal niya riyan ang British actor na si Alan Cammish.
Nakaka-proud si Alex dahil ibang level ang ibinandera niyang talento sa pelikula.
Biruin niyo, bukod sa magaling na siyang umarte, kumanta at sumayaw, may ibang performances pa siyang ipinakita na talagang kakaaliwan ng mga manonood.
Chika ng Pinoy actor sa amin nang makapanayam namin siya sa movie premiere ng international film, “Excited ako na finally mapapanood siya and maireregalo ko siya sa LGBTQIA+ community at sa mga Filipino na nangangarap.”
Naikuwento rin ni Alex na plano niyang mag-Canada bago matapos ang taong 2024 upang ituloy ang kanyang pangarap sa international movie scene.
“I’m still doing auditions online pero mas madali kasi pag on-ground. So by the grace of God, busy talaga and there’s still work to be done for Filipinos not just as a community –but Filipinos as a whole,” wika niya sa BANDERA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.