Ex-PBB housemate na si Ryan Bacalla girl na girl na ngayon

Ex-PBB housemate Ryan Bacalla girl na girl na ngayon: A lot has changed

Ervin Santiago - June 27, 2024 - 12:55 AM

Ex-PBB housemate Ryan Bacalla girl na girl na ngayon: A lot has changed

Rian Bacalla

IBA-IBA ang reaksyon ng netizens nang ibandera ng dating “Pinoy Big Brother 737″ housemate na si Ryan James Bacalla sa buong universe na isa na siya ngayong girlalu.

Sa mga nakalimot na, si Ryan ang binansagang “Kid Sunshine ng Cebu” sa naturang reality show ng ABS-CBN na umere noong 2015.

But now, hindi na siya si Ryan – mas kilala na siya ngayon bilang si Rian Bacalla at in fairness, babaeng-babae na ang awrahan niya ngayon!

Baka Bet Mo: Ryan Bang inampon nang mag-divorce ang magulang dahil sa isyu sa pera

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, proud na proud na ipinost ni Rian ang kanyang “before and after” photo bahagi na rin ng pakikilahok niya sa pagdiriwang ng Pride Month.

Ang nakasaad sa caption ni Rian sa kanyang FB status, “9 years ago today was the time I went inside the Pinoy Big Brother ABS-CBN house as a teen housemate.”


Pag-amin ni Rian, hindi siya tanggap ng marami noong lumantad siya bilang miyembro ng LGBTQIA+ community kabilang na ang kanyang pamilya at nakaranas din pamba-bash at panghaharas.

Pero hindi raw siya nagpatalo at inilaban kung ano ang tunay niyang pagkatao hanggang sa mag-transform na nga siya bilang isang proud transwoman.

Ngunit sabi ni Rian, kahit ano pa raw ang mangyari ay siya pa rin daw ang “Kid Sunshine ng Cebu” na unang nasilayan ng madlang pipol sa “PBB” halos isang dekada na ngayon ang nakararaan.

“I was once a gay not totally accepted by my family and years forward, I’ve blossomed into a lady that I am now today.

Baka Bet Mo: Payo ni Lolit Solis kay Ryan Bang: ‘Huwag makipagsabayan kay Vice Ganda, umiwas sa gulo para hindi masuspinde’

“A lot has changed since then. But one thing is for sure, I’ll forever be your KID SUNSHINE NG CEBU. #PrideMonth,” ang kumpletong mensahe ni Rian.

Sa comments section ng kanyang FB status, ay may humanga sa kanyang katapangan na ilantad ang katotohanan at ipaglaban ang kanyang pinaniniwalaan.

Pero meron ding namburaot kay Rian at kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato sa kanya sa kabila ng kanyang pagpapakatotoo.


Kaya naman nag-post siya uli sa Facebook para sagutin ang mga namba-bash sa kanya. Sabi ng dating PBB housemate, “Am I shocked with the comments? No. Am I hurt? Absolutely not.

“I am unapologetically me. So I don’t care if you like me or not. Happy pride!!” aniya pa.

Sa loob pa lang ng PBB house ay marami na ang nanghulang beki si Rian hanggang sa bago matapos ang naturang season ng reality show ay nagpahaba na siya ng hair at nagsuot na rin ng mga damit-pambabae.

Taong 2018 naman nang mag-viral ang isang Facebook post kung saan mapapanood ang transformation ni Rian mula sa kanyang pagiging teen housemate.

Nang makita ang nasabing post, agad na nagkomento si Rian, “OMG! Hi guys! Nagising ako sa sobrang ingay ng phone ko andami ko na pala notifs. Thank you for this hihi I did not expect this at all.

“Sa lahat po ng nagtatanong kung kamusta na po ako, I am happily living a private life with my family and I’m already a Grade 11 HUMSS student of Southwestern University.

“If you guys are asking kung may plano akong bumalik sa showbiz, well, if it’s God’s will, then so be it.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But for now I am living a peaceful life with my family and I am so contented of what I have in my life right now. Salamat po ng marami sa inyo,” lahad pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending