James Reid napilitang sumailalim sa 'K-pop idol make-over' dahil kay Ryan Bang | Bandera

James Reid napilitang sumailalim sa ‘K-pop idol make-over’ dahil kay Ryan Bang

Ervin Santiago - March 03, 2021 - 11:41 AM

IBA rin talagang sumuporta sa kaibigan ang actor-singer at record producer na si James Reid.

Wala kasing kaalam-alam ang binata na ang imbitasyon sa kanya ng isa sa mga friends niya sa showbiz na si Ryan Bang ay mauuwi pala sa isang vlog shoot.

Binisita ni James ang salon na pag-aari ng “It’s Showtime” host matapos nga siyang imbitahan dito ng Kapamilya comedian para bigyan ng hair treatment.

Ngunit bukod nga rito, napilitan din ang binata na sumailalim sa isang Korean makeover para gawing content ni Ryan sa kanyang YouTube channel.

Halatang ikinabigla ni James ang plano ng Korean TV host at komedyante pero wala na siyang nagawa at pinagbigyan na lamang ang request ng kaibigan.

“Gulat si James e ‘di niya alam magsu-shoot tayo. ‘Brother, James please come to my salon.’ Tapos pagdating niya may camera,” ang natatawang chika ni Ryan na isa sa mga nakasama ni James sa “Pinoy Big Brother” noong 2010.

Ang birong pagbabanta naman ni James sa kanyang kaibigan, “If I don’t like you’ll delete the whole video.”

Ilan sa ginawa sa aktor ay ang hair at scalp treatment. Kinulayan din siya ng buhok para magmukha raw K-pop idol.

Natuwa naman si James nang sabihin ni Ryan na libre ang lahat ng serbisyong ibinigay sa kanya pero ang request lang niya, sana raw ay bumisita ito nang madalas sa kanyang salon para mas dumami pa ang customer nila.

At sana raw kapag bumalik ito ay isama na si Nadine Lustre para masubukan din ang kanilang mga services. Balitang nagkabalikan na kasi ang magka-loveteam ngunit hindi pa nila ito kinukumpirma.

Sa isang bahagi naman ng video, tinanong ni Ryan ang kaibigan kung nagsisisi ba ito na nagpunta pa sa kanyang salon, mabilis na oo ang tugon nito sabay tawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli, sinabi ni James na nagustuhan naman niya ang bagong hairstyle ala-K-pop idol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending