Payo ni Lolit Solis kay Ryan Bang: 'Huwag makipagsabayan kay Vice Ganda, umiwas sa gulo para hindi masuspinde' | Bandera

Payo ni Lolit Solis kay Ryan Bang: ‘Huwag makipagsabayan kay Vice Ganda, umiwas sa gulo para hindi masuspinde’

Ervin Santiago |October 04,2023
facebook
share this

Payo ni Lolit Solis kay Ryan Bang: ‘Huwag makipagsabayan kay Vice Ganda, umiwas sa gulo para hindi masuspinde’

Ervin Santiago - October 04, 2023 - 10:41 AM

Payo ni Lolit Solis kay Ryan Bang: 'Huwag makipagsabayan kay Vice Ganda, umiwas sa gulo para hindi masuspinde'

Vice Ganda, Ion Perez, Ryan Bang at ang iba pang co-hosts ng ‘It’s Showtime’

PINAGSABIHAN ng veteran entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis ang TV-host comedian na si Ryan Bang.

Pinuna ni Manay Lolit ang ilang mga hirit at banat ng Koreanong komedyante sa programa nilang “It’s Showtime” na naglagay sa kanya sa alanganin nitong mga nagdaang linggo.

Paalala ni Manay kay Ryan Bang, maghinay-hinay sana ito sa mga binibitawang biro para raw hindi madamay sa mga isyung kinasasangkutan ng “It’s Showtime”.

Lalo pa nga ngayong napakainit ng mga mata ng publiko at ng mga kritiko sa mga kasamahan niya sa noontime show na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, binigyan niya ng advice si Ryan Bang pagkatapos mag-sorry ang komedyante sa mga big boss ng GMA 7, partikular na kay GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes.

Kung matatandaan, sa guesting ni Ryan sa “Fast Talk with Boy Abunda,” ilang linggo na ngayon ang nakararaan, sinabi nitong gusto niyang maging leading lady si Ms. Annette sakaling magkaroon ito ng project sa GMA Network.

Baka Bet Mo: Ryan Bang nakatanggap ng offer mula sa isang Korean entertainment group, mas pinili ang Pilipinas

Marami ang na-offend at nainis kay Ryan dahil sa kanyang biro kaya naman nang bumisita ang ilang bossing ng GMA sa “It’s Showtime” kamakailan para magpakita ng suporta sa programa, ay nagsalita na ang comedian.

Nabigyan ng chance si Ryan na mag-sorry kay Atty. Annette, “Nakita ko po kayo sa hallway. Pasensya na po boss. Hindi ko po kasi akalain na kayo ang boss, akala ko po artista kayo. Hindi na po mauulit, pasensya na po.”

Narito naman ang IG post ni Manay Lolit patungkol kay Ryan, “Buti naman nag sorry si Ryan Bang sa mga bossing ng GMA Salve.

“Lalo pa nga at taga ibang bansa siya kaya mas dapat na siya ang nag aadjust sa lahat para hindi siya magmukhang antipatiko,” simulang pagbabahagi ng talent manager.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi maganda para kay Ryan Bang ang madalas na nasasali siya sa intriga.

“Dapat hinay hinay lang siya para hindi siya nadadamay lalo pa nga ngayon na mainit ang mga mata kay Vice Ganda at Ion. Dapat iwasan niyang masali para hindi siya maging antipatiko,” dugtong ni Manay Lolit.

Sabi pa ng beteranang entertainment columnist, huwag na raw sanang makipagsabayan and comedian kay Vice Ganda.

“Type ko pa naman si Ryan Bang kasi cute mga one liner niya. Dapat ganuon lang ang ginagawa niya, maintain niya mga cute at hindi intriguing na one liner para hindi siya sumasabit.

“Huwag na makipag sabayan kay Vice Ganda. Hayaan na siya sa mga pakulo niya tutal mukha naman carry niya ito,” aniya pa.

“Basta cool ka lang Ryan Bang, huwag ng sali sa gulo para hindi ma suspinde. Mas mabuti ng meron show kesa wala, at mas masakit kung suspended. Sayang suweldo, bongga!” sabi pa ni Manay Lolit Solis.

Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juday inaatake ng ‘sepanx’ sa pagbabalik ng face-to-face classes, personal na inihatid si Luna sa school

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending