PBB teen Kenzo kinontra si Julia, umamin na sa tunay na relasyon | Bandera

PBB teen Kenzo kinontra si Julia, umamin na sa tunay na relasyon

Ervin Santiago - July 19, 2015 - 02:00 AM

julia barretto

SO, sino kaya ang nagsisinungaling at sino ang nagsasabi ng totoo kina Pinoy Big Brother 737 teen housemate Kenzo Gutierrez at Kapamilya youngstar Julia Barretto?

Sa isang uncut video na kuha sa isang episode ng PBB, mismong si Kenzo na kasi ang umamin na hindi lang sila basta friends ni Julia noon.

Habang kausap ni Kenzo ang dalawa pang PBB housemates na si Edward Kyle Secades at Hendrix Jimboy Martin, nabanggit nga ng kontrobersiyal na binata ang tungkol sa anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

May nagtanong kasi kay Kenzo kung crush ba niya si Julia, ang naging tugon ng binata, “Hindi ko siya crush, bro. Basta parang may thing kami dati.”

Nasa first year high school daw sila ni Julia nang magkaroon sila ng “relasyon” na tumagal lang ng dalawang buwan, “Feeling ko, kapag inisip ko ngayon, e parang bata pa talaga kami noon.

Pero parang mutual naman noong nag-ayaw kami.” “We’re friends pero matagal na rin kaming hindi lumalabas,” ani Kenzo.

Bago ang pangungumpisal ng teen housemate, nagdenay na si Julia sa isang interview na naging boyfriend niya si Kenzo, anang dalaga, “He was my friend in grade school na sobrang tagal na pero never ko siya naging boyfriend.”

Samantala, ang “Kid Sunshine ng Cebu” ng PBB 737 na si Ryan Bacalla ang natsugi sa ginanap na eviction night last Friday.

Naging emosyonal ang beking bagets nang i-announce ang kanyang pangalan bilang third evictee sa reality show ng ABS-CBN.

Nailigtas naman ng madlang pipol sa pamamagitan ng text votes sina “Daldal Darling ng Australia” Ylona Garcia, “Teen Mama ng Maynila” Kamille Filoteo at “Blossoming Beauty ng Quezon City” Zonia Ysabel Mejia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Ryan ang nakakuha ng pinakamababang percentage sa botohan with 14.63 percent, habang si Zonia naman ay nakakuha ng pinakamataas na boto with 32.16 percent.

“Sa lahat po ng miyembro ng LGBT, sabay sabay po tayong magsalita ng ‘Proud to be me!’ Thank you so much po!” ang mensahe ni Ryan bago umalis ng Bahay ni Kuya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending