EXCLUSIVE: Alex Diaz lilipad pa-Canada, susubok ng iba pang int’l projects
LABAN kung laban ang peg ng singer-actor na si Alex Diaz ngayong pinapasok na niya ang international scene pagdating sa pelikula!
‘Yan ang chinika mismo ni Alex sa BANDERA nang makasama namin siya sa movie premiere ng pinagbibidahan niyang international queer musical film na “Glitter & Doom.”
Baka Bet Mo: Alex Diaz ibinandera ang Pinoy talent sa int’l movie na ‘Glitter & Doom’
Bukod sa pinagkakaabalahan niyang local projects, naibunyag niya sa amin na ipu-pursue niya ang pangarap na karera sa ibang bansa.
“Right now, I’m about to start working on a teleserye…On June 12, papalabas na rin po ‘yung isa kong pelikula with Create Cinema and Cornerstone Studios which is ‘Fruitcake’ kasama ko diyan sina Joshua Garcia, Jane Oineza, Ria Atayde, Dominic Ochoa, Marcus Pattinson, Karla Estrada, basta marami, maganda siya,” sey niya.
Chika pa niya, “And at the end of the year, since tapos na ‘yung pandemic, I will be going to Canada for a couple of months kasi kailangan on-ground na ‘yung auditions for North America.”
Nang mag-follow up question kami kung susubok muli siya para sa international projects, ang sagot niya, “Yes, yes.”
“I’m still doing auditions online pero mas madali kasi pag on-ground. So by the grace of God, busy talaga and there’s still work to be done for Filipinos not just as a community –but Filipinos as a whole,” wika niya sa amin.
Pagmamalaki pa ni Alex, “So patuloy pa rin tayong lalaban!”
Anyway, palabas na exclusively sa Ayala Malls Cinemas ang kauna-unahan niyang international movie na “Glitter & Doom.”
Siya mismo ang star ng proyekto at ang katambal niya riyan at ang British actor na si Alan Cammish.
“Their relationship is put to the test as they deal with trying to make it in the music biz, their mothers (Ming-Na Wen and Missi Pyle), and finding what feeds each of their souls and dreams,” saad sa synopsis ng pelikula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.