Nadine may kaabang-abang na ‘big’ project: ‘Get ready to play, sing, dance!’
TULAD ng DonBelle, may niluluto rin na kaabang-abang na bagong proyekto ang aktres na si Nadine Lustre.
Kung regular kayong dumadaan sa EDSA, for sure ay napansin niyo na ang higante niyang billboard na makikitang pak na pak sa kanyang suot na violet gambit dress.
Nakakaintriga rin ‘yung kalakip na mensahe riyan ni Nadine na ang sabi: “Are you ready to play, sing, and dance?”
Sa isang press release na natanggap na BANDERA, heto ang hula nila sa next move ng aktres.
“Based on her message and the look of the clip, one idea is that Nadine is releasing a new hit with a playful vibe soon!” saad sa pahayag.
Isa lang din daw ang sigurado nila…magkakaroon ng “something BIG” si Nadine!
Baka Bet Mo: Nadine sa viral white lion na inaabuso sa zoo: It’s heartbreaking!
Kung matatandaan noong Hunyo lamang, inamin ni Nadine na magpo-focus muna siya sa kanyang negosyo, pero looking forward din daw siya sa TV comeback niya this year.
Ito na kaya ‘yung aabangan natin, base sa higante niyang billboard?
Anyway, ibinunyag ni Nadine na posibleng magkaroon ng update ang upcoming movie niya with Direk Mikhail Red.
Kung matatandaan, last year pa nang inanunsyo ang bagong horror movie niya na pinamagatang “Nokturno,” ngunit wala pang petsa kung kailan ito ipapalabas.
“We’re still waiting. I don’t really know what update on that is, but definitely this year it will be, you know, they will give us more updates,” sagot niya sa isang panayam.
Sey pa niya, “Ako lang, hindi ako sure because I’m so busy with other stuff.”
Nabanggit din niya riyan na marami ang nag-aalok ng proyekto sa kanya, “Meron namang nagpi-pitch. Yeah, there are pitches.”
“Nag-aantay lan din naman ako. I’m not rushing,” wika pa ni Nadine.
Pagbabahagi rin niya, “This year I promise myself na hindi ako tatanggap ng masyadong maraming work because it’s really hard to focus on one thing.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.