Alexa Ilacad natawa sa mga bashers, pati alagang aso't pusa nadamay | Bandera

Alexa Ilacad natawa sa mga bashers, pati alagang aso’t pusa nadamay

Therese Arceo - September 14, 2022 - 08:49 PM

Alexa Ilacad natawa sa mga bashers, pati alagang aso't pusa nadamay
IDINAAN na lamang sa tawa ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad ang mga taong patuloy na nangba-bash sa kanya.

Chika ng dalaga, maging kanyang mga alagang aso at pusa ay pinapadalhan ng bashers ng mga negatibong mensahe.

Tawang-tawa talaga ako sa mga taong sobrang desperate na mang-bash at saktan ako na pati mga aso’t pusa ko mine-message na nila,” saad ni Alexa sa kanyang tweet nitong Sabado, Setyembre 10.

Wala namang ibinahagi ang dalaga kung ano ang eksaktong mensahe na ipinadala sa kanyang mga alaga at paanong pambabash na naman ang kanyang natanggap.

Nag-reply naman ang beauty queen at TV host na si MJ Lastimosa sa tweet ng dalaga.

“Kaloka pag sumagot yung mga alaga mo no? Tas minura sila,” sey nito na may hashtag pang “#whatif”.

Hindi naman papakabog sa mga bashers ang mga solid na tagasuporta ni Alexa na nagpayo sa kanya na dedmahin na lang ang mga bashers dahil marami naman silang nagmamahal sa dalaga.

“Lex, sila yung trabaho sa buhay ay maghagis ng kasamaan sa mundo. They can never put you down, for your star has shined and will continue to shine its brightest. God has heard you & now your time has come for your good,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “That’s how desperate people are, Alexa. You do you always as long as you’re doing the right thing. We love you!!! Always here for you no matter what. Don’t mind them, they don’t have a happy life.”

“Ipaubaya mo n lng sila kay Lord Lex. Karma is real so sa lahat Ng nangba bash kay baby girl @alexailacad nmn, get a life pls. Deadmatology Lang ang pang tapat ntin sa kanila. They can bash whenever they want! You have a good soul and heart. Don’t mind them,” hirit pa ng isa.

Samantala, mapapanood na rin sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online, at A2Z ang series nila na pinamagatang “Run To Me” na pinagbibidahan nila ng kapwa dating “Pinoy Big Brother” housemate na si KD Estrada.

 

Related Chika:
70 na ang alagang aso’t pusa ni Jona sa bahay; gumagastos ng P70k kada buwan

Alexa Ilacad tinutukso sa 3 lalaki: Ang ganda ko, ‘di ba? Ang haba ng hair ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Albie Casiño sinakyan ang trip ng netizens, ginawang DP ang kamukhang pusa

Alexa Ilacad, KD Estrada sa posibilidad na maging ‘dyowa’: The intent is there

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending