70 na ang alagang aso’t pusa ni Jona sa bahay; gumagastos ng P70k kada buwan
SHOCKED kami sa rebelasyon ng biriterang Kapamilya singer na si Jona tungkol sa mga alaga niyang mga aso at pusa.
Umabot na pala sa 70 ang inaalagaan niyang mga hayop sa mismong bahay nila — 40 na pusa at 30 na aso ang kasa-kasama ng dalaga ngayon, kabilang na riyan ang mga na-rescue nilang Aspin (asong Pinoy) at Pusakal (pusang kalye).
Pero ang mas ikinagulat namin ay ang inilalaang budget ng award-winning singer-performer para sa pagpapakain at iba pang pangangailangan ng 70 niyang alagang hayop.
Kuwento ni Jona nang makachihan namin siya sa CaSoBe Calatagan South Beach last Friday, July 15, nagsimula lang sa isang pusa ang alaga niya. Ito raw yung stray cat na sumasalubong sa gate ng bahay nila kapag umuuwi siya.
Hanggang sa nagdesisyon na siyang alagaan ang pusa dahil awang-awa siya rito kapag nababasa sa ulan at naiinitan sa labas. Kasunod nito, sunud-sunod na nga ang ni-rescue niyang mga aso’t pusa na pakalat-kalat sa kalye.
Tanong namin sa dalaga, paano niya pinagkasya ang 70 hayop sa bahay nila, “Ginawan ko po talaga ng paraan, nagkasya naman po sila sa bahay ko. At may kanya-kanya silang lugar doon.”
Sunod na inusisa namin kung magkano ang nagagastos niya sa lahat ng pangangailangan ng kanyang mga alaga at dito na nga kami napa-wow at napanganga.
View this post on Instagram
Sey ni Jona, kada buwan ay naglalaan siya ng mahigit P70,000 para sa mga ito, at waley pa riyan ang nagagastos niya kapag dinadala niya sa vet clinic ang mga alaga niyang nagkakasakit.
Kaya nga raw kailangan niyang mag-work nang bonggang-bongga para sa budget niya sa 70 aso at pusa. Naiisip na rin daw niya na magpatayo ng sariling vet clinic para dito na niya dadalhin ang mga alaga.
Sey ni Jona, “Ang fulfillment ko po na nakukuha ko rito ay ‘yung siguro po, napa-practice ko ‘yung simpatya at empathy natin hindi lang sa mga tao kundi pati sa ibang creatures.
“Kasi kumbaga, sila ‘yung kino-consider natin na voiceless na creatures, ‘di ba? So, sino pa ang tutulong sa kanila kundi tayong mga tao na marunong mag-isip at may puso for those kind of creatures.
“So, I think, ‘yun po ang fulfillment na ‘yung unconditional love na naibibigay mo sa kanila at nila sa ‘yo pabalik,” chika pa sa amin ni Jona.
Marami pang kuwento ang singer sa amin tungkol sa kanyang advocacy sa pagre-rescue ng stray animals pati na rin sa kanyang pagiging single but that’s another story to tell.
https://bandera.inquirer.net/310794/jona-dedma-lang-sa-politika-noon-pero-naninindigan-para-kay-leni-robredo-ngayon
https://bandera.inquirer.net/305297/jona-wala-pa-ring-dyowa-busy-sa-pagliligtas-pag-aalaga-sa-mga-asot-pusa
https://bandera.inquirer.net/311208/jona-nakiusap-sa-fans-na-nag-aaway-away-dahil-sa-politika-huwag-po-tayong-magbastusan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.