Rescued cat na si Menggay pinagpapalo ng dos por dos, patay
NAGPUPUYOS sa galit ang mga animal welfare advocate sa sinapit ng isang pusa na ilang ulit pinaghahampas ng dos por dos na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Karumal-dumal ang ginawang pagpatay sa rescued cat na si Menggay sa Talisay, Cebu na talaga namang ikina-shock ng mga nakapanood sa viral video na kumalat sa social media.
Kaya naman hustisya ang sigaw ng Animal Kingdom Foundation (AKF) sa kanilang official Facebook page kamakalawa, November 6.
Ayon sa ulat, pinatay ang alagang pusa na si Menggay gamit ang dos por dos na ilang ulit umanong ipinalo sa walang kalabang-labang hayop.
“Menggay, a beloved rescue cat, was brutally killed by a neighbor. Menggay was repeatedly struck with a 2×2 wood as the horrified witness was left traumatized and crying in the aftermath of the senseless killing,” sabi sa FB post ng AKF.
Baka Bet Mo: Sigaw ni Carla: Itigil ang paghuli, pagkatay, pagluto at pagkain ng aso! Ito po ay isang KRIMEN!
Nabatid din na nakunan sa CCTV ang ginawang pagpatay kay Menggay ng isang kapitbahay ng pamilyang kumupkop sa namayapang pusa.
“Animals and children should never be subjected to violence, but a CCTV footage now bears witness to the loss of Menggay’s life,” ang bahagi pa ng pahayag ng AKF.
“Let’s unite in seeking justice for Menggay, advocating for tougher laws, and raising awareness to create a safe world for animals and children alike.
“May this tragic incident be a powerful call to end cruelty once and for all. #STOPANIMALCRUELTY,” sabi pa ng organisasyon.
Ayon sa AKF, may naisampa na raw na kaukulang kaso laban sa taong nanakit at nakapatay kay Menggay pero wala namang nabanggit kung sino ang may kagagawan nito at kung nahuli na ang salarin.
Nanggagalaiti rin sa galit ang mga netizens sa sinapit ni Menggay. Narito ang kanilang komento.
“Tell what we can do to help get the justice.. I am willing to support in any means I can.”
“Sana mabigyan din ng government natin ng pangil ang batas para sa mga voiceless animals. sobrang nakakalungkot.”
“That’s what i prayed for. Most LGU’s down to barangays mga wala silang awa sa pagpatay sa mga hayop. Sad reality for the animals.. Pets or stray. Hoping na sana may laman naman sana ang batas para sa mga hayop.”
“Punishments for animal abuse must be much worse. If someone can be this violent to an innocent animal, they can do so much worse to humans.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.