Pusa patay matapos sipain ng isang Chinese

Pusa patay matapos sipain ng isang Chinese, animal organization umalma

Pauline del Rosario - March 08, 2025 - 10:46 AM

Pusa patay matapos sipain ng isang Chinese, animal organization umalma

PHOTO: Facebook/CARA Welfare Philippines

NAMATAY ang isang pusa sa Ayala Triangle Gardens sa Makati City matapos umanong sipain ng dayuhang lalaki.

Ayon sa non-profit animal organization na CARA Welfare Philippines na iniulat ng INQUIRER, ang pusa ay nagpapahinga sa parke nang bigla itong sipain ng isang Chinese.

Base sa CCTV footage noong January 4, sinabi ng grupo na tila ikinamatay ng pusa ang malakas na pagsipa.

“When confronted and brought to the barangay, the man was arrogant and refused to provide his address,” sey ng grupo sa isang Facebook post noong Huwebes, March 6.

Baka Bet Mo: Ginang kinasuhan si mister dahil mas love pa raw ang alagang pusa

Kwento pa ng organisasyon, “He told us to write to the Chinese Embassy. Because of this, he remains free to roam the streets, to roam the gardens.”

Pakiusap nila, “We seek your help to know the man’s identity and whereabouts in order to proceed with the filing of a case against him.”

Binigyang-diin ng CARA na malinaw na paglabag ito sa Republic Act (RA) No. 8485 o o Animal Welfare Act of 1998.

Sa ilalim ng batas na ito, may kaukulang parusa sa anumang gawaing may kinalaman sa pagmamalupit, pang-aabuso, at pagpatay ng hayop.

Samantala, sa isang pahayag noong Biyernes, March 7, kinondena ni Senador Grace Poe ang insidente at hinimok ang mga awtoridad na papanagutin ang pumapatay umano ng pusa.

“That community should be a safe haven for pet cats and dogs. No animal should be subject to cruel and unwarranted abuse,” sey ni Poe sa ulat ng nasabing news outlet.

Nanawagan din ang senadora sa mabilisang pagpasa ng kanyang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga nang-aabuso ng hayop.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod diyan, layon din ng panukala na bigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan, lalo na ang mga barangay, sa paghawak ng mga kaso ng pagmamalupit at pagpapabaya sa mga hayop.

Nakatakdang pagbotohan ang panukalang batas sa ikatlong pagbasa sa Senado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending