Sigaw ni Carla: Itigil ang paghuli, pagkatay, pagluto at pagkain ng aso! Ito po ay isang KRIMEN! | Bandera

Sigaw ni Carla: Itigil ang paghuli, pagkatay, pagluto at pagkain ng aso! Ito po ay isang KRIMEN!

Ervin Santiago - September 07, 2022 - 10:36 AM

Carla Abellana nanawagan sa mga kumakain ng aso

Carla Abellana at ang na-rescue na asong si Calvin

KAAWA-AWA ang kalagayan ng mga asong nasagip ng Animal Kingdom Foundation (AKF) kamakailan, kabilang na ang mga nakatakda na sanang ipagbili para gawing “pulutan.”

Nakita namin ang mga na-rescue na aspin sa Instagram page ng Kapuso actress na si Carla Abellana na kuha matapos ang isinagawang rescue operation ng AKF.

Ayon kay Carla, na isang self-proclaimed animal welfare advocate, grabe na ang nangyayaring pang-aabuso sa mga asong hinuhuli, pinapatay at kinakain ng ilang mga Filipino.

Ni-repost ni Carla ang mga litratong ibinahagi ng Animal Kingdom Foundation sa social media at naglabas ng kanyang sama ng loob.

“ITIGIL NA ANG PAGHULI, PAGKATAY, PAGLUTO AT PAG KAIN NG MGA ASO! Iligal po ito at ito po ay isang KRIMEN,” ang nakalagay sa unang bahagi ng caption ng Kapuso star.

Mababasa sa ni-repost ni Carla ang nangyari kay Calvin na isa sa mga asong nasagip ng AKF sa isinagawang rescue mission ng grupo.

“Like in any other dog meat trade raid, there is always one or two dogs who are most critical. Today’s raid in Pampanga is no different.

View this post on Instagram

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


“This is Calvin, estimated to be Four(4) or Five (5) months old only, one of the Six live dogs we rescued earlier today,” pagbabahagi ng nasabing organisasyon.

Dagdag pang pahayag ng AKF, “Calvin suffered most, as seen in our photos. He was out of breath, soaking wet and overheating when taken out of the sack.

“He would have suffocated and died in the next few minutes if we came in a few minutes late. He was hooked up on IV and oxygen immediately and we are praying that he recovers.

“Imagine if Calvin was your beloved pet. How would you feel? Imagine his trauma, his pain and his suffering.

“Please, let us condemn this horrible act. We need you to help us bust these dog meat traders so no more Calvins will fall victims to these evil deeds,” ang huling bahagi ng post ni Carla.

Nauna rito, nanawagan si Carla sa mga mahihilig sa hayop na huwag nang bumili ng mga aso o pusa at sa halip ay mag-adopt na lamang.

“There are thousands of abandoned and captured strays awaiting euthanasia in city pounds all over the Philippines.

“Their eyes show exactly how they feel. Please adopt? Save them from getting killed days after they’re taken to the pound?” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/283921/yassi-nag-birthday-kasama-ang-mga-asot-pusa-my-heart-is-so-so-full

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/301210/sharon-nakapiling-muli-ang-asong-si-pawi
https://bandera.inquirer.net/305297/jona-wala-pa-ring-dyowa-busy-sa-pagliligtas-pag-aalaga-sa-mga-asot-pusa
https://bandera.inquirer.net/283921/yassi-nag-birthday-kasama-ang-mga-asot-pusa-my-heart-is-so-so-full

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending