Tippy durog pa rin ang puso, nangungulila sa namayapang ina

Tippy Dos Santos durog pa rin ang puso, nangungulila sa namayapang ina

Ervin Santiago |May 15,2024
facebook
share this

Tippy Dos Santos durog pa rin ang puso, nangungulila sa namayapang ina

Ervin Santiago - May 15, 2024 - 01:07 PM

Tippy Dos Santos durog pa rin ang puso, nangungulila sa namayapang ina

Tippy Dos Santos at Happy Esquivas Dos Santos

HANGGANG ngayon ay durog pa rin ang puso ng singer-actress na si Tippy Dos Santos sa pagpanaw ng inang si Happy Esquivas Dos Santos.

December 30, 2023 nang mamatay ang nanay ni Tippy ngunit hirap na hirap pa rin daw ang kanyang kalooban pati na ng buong pamilya na tanggapin ang katotohanang wala na ang kanyang ina.

Nitong nagdaang Mother’s Day, inamin din ng singer na magkahalong lungkot at pangungulila ang naramdaman niya dahil alam niyang never na niyang makakasama ang ina tuwing sasapit ang naturang okasyon.

Baka Bet Mo: Tippy buking ang scammer na nanghihingi ng P500k para sa libing ng ina

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Tippy ng mensahe para sa namayapang nanay kasabay nga ng pagdiriwang ng Mother’s Day.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Stephanie Dos Santos – Porcuna (@tippydossantos8)


“Waking up each day to the thought that you are no longer with us hits just as hard as it did the first day after you passed, Mom,” simulang pagbabahagi ni Tippy.

Patuloy pa niya, “I don’t really know how or when missing you gets easier, but I know it most certainly doesn’t feel easy today — on Mother’s Day.

“That one day a year when we all get the chance to shower mothers with all the praise, hugs and kisses they deserve (which honestly, should be every single day of a mother’s life),” pagbabahagi pa ng actress-singer.

Sana nga raw ay buhay pa ang kanyang nanay upang maiparamdam pa niya rito ang kanyang pagmamahal at makasama pa sa mahahalagang okasyon tulad ng Mother’s Day.

“How I wish we could have one more day with you — to let you know just how amazing you were, Mom.

“To hold you, take another photo with you, sing with you, laugh with you, to just feel your presence. But as we know it, this is not possible anymore,” ani Tippy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Stephanie Dos Santos – Porcuna (@tippydossantos8)


Dugtong pa niya, “I love you, Mom. Your time with us would have never been enough, yet in the short span of your life here on earth, you’ve given us enough love to last our lifetimes.

“Know that I will always look for you in the stars, Mom. I will always feel you in the breeze.

Baka Bet Mo: Pagkamatay ng nanay ni Tippy Dos Santos iniimbestigahan na sa South Korea

“I will always wish you were with me to see beautiful sights. I will always hear your voice in our favorite songs. I will always miss you.

“I will always remember you — the best mom we could have ever been blessed with,” pahayag ni Tippy.

Kalakip ng IG message ni Tippy ang isang video kung saan mapapanood ang bonding nila ng ina habang kumakanta ng “For Good”, mula sa Broadway play na “Wicked” na kuha noong Mother’s Day celebration sa kasagsagan ng pandemya.

Last April 4, nagbahagi rin si Tippy ng madamdaming mensahe para sa 37th wedding anniversary ng kanyang parents.

“Mom, this ordeal has been the most difficult thing we’ve ever had to endure. My heart truly feels like it gets shredded to pieces over and over each day. Still can’t believe you’re gone. I hope you know our hearts long for you.

“I miss you. I love you. I miss you. I love you. I miss you. I love you. On repeat. Every. Second. Of. Every. Day,” saad ng singer.

Matatandaang noong December 29, ibinalita ni Tippy na nasangkot sa car accident ang kanyang inang si Happy at amang si John Dos Santos sa South Korea.

Makalipas lang ang isang araw, binawian ng buhay ang kanyang nanay habang nakaligtas naman ang tatay niya.

Sabi ng kanyang ama, “The hurt of this loss to our family is indescribable and we will miss her every single day.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“As her husband, the light of my life and the light of my world was extinguished. As for my daughters, they have lost the most caring and loving mother any child could ask for,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending