Tippy buking ang scammer na nanghihingi ng P500k para sa libing ng ina
BINIGYANG-BABALA ng pamilya ng singer-actress na si Tippy Dos Santos ang publiko laban sa mga scammer at poser sa social media.
Napakarami pa rin talagang walang kunsensiya at kaluluwa na naglipana ngayon na patuloy na nambibiktima ng mga inosenteng tao.
Nakarating kasi kay Tippy na ginagamit ng isang sindikato sa socmed ang pagkamatay ng kanyang inang si Happy Dos Santos para makapanloko ng mga tao at makaharbat ng pera.
Pumanaw si Ginang Happy sa Seoul, South Korea noong December 30 sa edad na 58, tatlong araw mula nang ma-confine sa ospital dahil sa kinasangkutang traffic accident noong December 27.
Nakaligtas si John Dos Santos sa naturang aksidente ngunit patuloy ngang nagluluksa at nagdadalamhati dahil sa biglaang pagkawala ng kanyang asawa.
Baka Bet Mo: Tippy Dos Santos pasado sa 2022 Bar exams, ganap nang abogado
Kasunod nito, nalaman nga nilang may mga scammer na gumawa ng fake account para manghingi ng pera sa mga netizens gamit ang pangalan ni Ginang Happy.
Agad namang nag-warning si John at ang kanyang pamilya sa publiko na huwag maniwala sa sinasabi ng kanyang poser na nanghihingi sila ng tulong pinansiyal para sa pagpapalibing sa misis niya.
View this post on Instagram
Sabi ni John, peke ang Go Get Funding account sa Facebook na gumamit sa pangalan at litrato niya na gusto umanong makalikom ng P500,000 para raw sa “burial fund” ni Happy.
Baka Bet Mo: Tippy Dos Santos natupad na ang pangarap, graduate na sa law school
Mariing sinabi ni John na poser niya ang gumawa ng account na iyon, “This is a fake account. I did not set up a go get funding account.
“Someone is trying to take advantage of my wife’s death. Please help me and my family report this. Thank you.”
Sa kanya namang Facebook account, p pinaalalahanan din ni Tippy at ng kanyang kapatid na huwag basta-basta maniniwala sa mga naka-post sa socmed.
“It has been brought to our attention that there has been a ‘get funding’ account set up for our mom’s death.
“Please know that our family is not responsible for this, nor any other future attempts at asking for money for this tragedy.
“It is unbelievable that someone is trying to scam people and is using our mom’s death as a means to do so,” ang nakasaad sa FB post ng mga anak ni Ginang Happy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.