Alexa Ilacad, KD Estrada sa posibilidad na maging 'dyowa': The intent is there | Bandera

Alexa Ilacad, KD Estrada sa posibilidad na maging ‘dyowa’: The intent is there

Therese Arceo |June 22,2022
facebook
share this

Alexa Ilacad, KD Estrada sa posibilidad na maging ‘dyowa’: The intent is there

Therese Arceo - June 22, 2022 - 01:54 PM

Alexa Ilacad, KD Estrada sa posibilidad na maging 'dyowa': The intent is there

DIRETSAHANG sinagot ng Kapamilya stars na sina Alexa Ilacad at KD Estrada ang mahiwagang tanong kung may tsansa nga bang mauwi from reel to real relationship ang samahan nilang dalawa.

Sa kanilang interview sa “Showbiz Plus” ng Bandera nitong Lunes, June 20 ay buong tapang nilang sinagot ang matagal nang hinihintay ng kanilang fans.

“Well, I think everyone, nakikita naman nila yung genuine connection namin ni Alexa so possibility is not out of the question,” sagot ni KD.

“So its a yes? Daming sinabi,” natatawang singit ng dalaga.

Nang tanungin naman si Alexa kung sa tingin niya ay may chance silang maging mag-boyfriend and girlfriend ay naging straight forward ang sagot nito.

“For me yes kasi yun nga, for me maganda yung bond na meron kami. Hindi siya yung nakukuha mo lang sa set. It was formed before naging love team kami. So I think yun din yung unique sa amin pero yes, the possibility and the intent is there,” pagpapaliwanag ng Kapamilya star.

Hindi naman kasi kaila sa madlang pipol na hindi naman talaga ine-expect ng lahat na magiging ganito ka-close sina KD at Alexa lalo na’t hindi naman sila talaga magkakilala noong pumasok sila sa Bahay Ni Kuya.

Bukod pa rito, may kanya-kanya rin silang love team noon kaya naman sino ang mag-aakala na magkakaroon ng KDLex na talaga namang minamahal at sinusuportahan ng mga fans.

Kaya namang nang tanungin sila ukol sa kanilang pakiramdam sa tuwing may mga fans ang nagsasabi at natutuwa sa naging proseso nila na nagkakilala nang maayos at naging magkaibigan bago naging mag-love team at nakikitang may chance na maging “end game” nila ang isa’t isa ay talagang happy sila.

“What they feel naman is true. Totoo naman yung sinasabi nila. We are so genuine with each other. We have great connection with each other and it’s more than a friendship but not exactly there yet.They say that there is something and that is true,” sey ni KD.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad)

Dagdag naman ni Alexa, “Ako rin po natutuwa kapag ganyan yung sinasabi nila. Nasubaybayan nila kung paano kami nagsimula. Ang ganda lang na balikan yung mga ganon. Kasi for me it’s very rare to find a connection like this and ako hindi ko akalain na makikita ko sa loob ng PBB.”

Kaya naman abangan na lang natin kung kailan nga ba tamang panahon para mag-level up ang relasyon nina KD at Alexa.

Sa ngayon ay mapapanood sila sa “Run To Me” series na ipinapalabas tuwing Biyernes sa Kumu, Sabado naman tuwing IWant TFC tuwing 8PM.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Alexa Ilacad, KD Estrada goodbye na rin sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage pasok sa top 5

Alexa Ilacad, KD Estrada na-shock sa tindi ng suporta ng madlang pipol: Wow! We feel so lucky!

Alexa Ilacad umamin na kay KD Estrada: I don’t fear the future anymore because I have you with me…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending