Tondo grand rally ng Tutok To Win partylist dinumog; Kuya Wil muling naghatid ng saya Bandera

Tondo grand rally ng Tutok To Win partylist dinumog; Kuya Wil muling naghatid ng saya

Jan Escosio |May 03,2022
share this

Tondo grand rally ng Tutok To Win partylist dinumog; Kuya Wil muling naghatid ng saya

Jan Escosio May 03, 2022 - 03:03 PM

Sam Verzosa

Willie Revillame

UMUWING nakangiti ang daan-daang taga-Tondo na dumalo sa grand rally ng Tutok to Win #140 Partylist sa pamumuno ni first nominee Sam Verzosa.

Tulad ng inaasahan, dumating si Willie “Kuya Wil” Revillame para muling ipakita ang kanyang suporta sa Tutok to Win Partylist at kay Verzosa.

Damang-dama naman ni Verzosa ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Tondo, na ayon sa kanya ay espesyal at malapit sa kanyang puso.


“Nandito kami sa Tondo, nandito ako sa Maynila dito ako lumaki, Batang Maynila ako, gusto ko bago mag-eleksyon maikot ko ang buong Maynila. Galing kami sa Sampaloc, ngayon nandito kami sa Tondo,” sabi ni Verzosa.

Dagdag pa nito,“ Gusto naming ipaalam sa lahat ng taga-Maynila na isa sa mga nominee ng Tutok to Win Partylist ay mula sa Maynila.

Aniya ipagpapatuloy nil ani Revillame ang pagtulong sa mga lubos na nanganailangang Filipino saan man sulok ng Pilipinas.

Muli rin niyang ipinaliwanag ang pangarap nilang “sustainable community” kung saan ang isang komunidad ay may pabahay para sa mga mahihirap, may paaralan, may ospital at may pangkabuhayan ang lahat.

“Dito ako lumaki, isa rin ako sa kanila, alam ko ang pamumuhay nila, dito ako nanggaling, ramdam namin sila. Pati si Kuya Wil laking Cabanatuan pero laking hirap din si Kuya Wil, so isa siya sa mga kababayan natin, maka-masa ‘yan.

“At iyan ang mga programa naming para sa mga nangangailangan, para sa mga senior citizens, sa kabataan at of course para sa masa,” dagdag pa ni Verzosa, ang co-founder ng Frontrow Phils., ang kinikilalang nangungunang networking company sa Asya.

Sa pangunguna nina Kris Lawrence at Donita Nose, bukod pa sa iba pang kilalang personalidad sa entertainment industry, ay lubos na nasiyahan ang mga dumalo sa campaign rally.
Ang Tutok to Win Partylist ay Number 140 sa balota.

Tutok to Win Partylist suportado ng celebrities, grand rally dinagsa

Willie Revillame hindi iiwan ang GMA, ayon kay Cristy Fermin

VP Leni kay Rep. Boying Remulla: Kung may pruweba, ilabas na

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending