Namimigay ng relief goods hinuli ng pulis | Bandera

Namimigay ng relief goods hinuli ng pulis

Leifbilly Begas - May 01, 2020 - 04:12 PM

IPINAG-UTOS ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang pagpapalaya sa 10 katao na hinuli ng mga pulis habang namimigay ng relief goods.

“Nag-overreact ‘yung PNP, eh. Hindi dapat inaresto dahil wala namang ginagawang masama yung mga kababayan natin,” ani Teodoro.

Sinabi ni Teodoro na sumunod sa social distancing at mga panuntunan ng Bayanihan to Heal as One Act kaya wala siyang nakikitang dahilan upang hulihin ang mga ito.

“Maaring may placards silang dala pero May 1 ngayon, eh, bahagi ito ng pag-e-exercise nitong constitutional rights nila na freedom of expression,” saad ng alkade sa isang pahayag.

May dalang plakard ang mga hinuli na nananawagan ng mass testing para mahinto na ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.

“Pinapahayag lang nila ang pangangailangan para sa free mass testing. Dahil ‘yung mahihirap ito naman talaga ang hinihingi, eh, ‘yung libreng mass testing para sa ganun alam nila kung positive or negative sila sa COVID-19.”

“Sinasabihan ko ngayon ang ating kapulisan na wala silang kasong maaaring isampa dun sa mga taong ito,” dagdag ng alkalde. “’Yung mga taong naroroon ay nag paalam naman sa atin para mag bigay ng relief operation at bahagi ito ng relief at humanitarian aid na ibinibigay natin dun sa mga komunidad.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending