SUMIKLAB ang isa pang word war at ito’y sa pagitan naman ni Sen. Leila de Lima at Sen. Panfilo Lacson.
Niresbakan ni de Lima si Lacson matapos sabihin ng huli na may sapat na ebidensiya para sampahan ang una ng kaso base sa mga testimonya ng mga testigong iniharap ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa Kamara kaugnay ng umano’y pagkakasangkot ng senadora sa iligal na droga.
“Akala ko ba pinagtatawanan lang ni Sen. Ping (Lacson) itong persecution and harassments being done to me, as he recalls his own harrowing experience with the Mawanay episode,” sabi ni de Lima.
Ito’y sa harap naman ng imbestigasyon ng Kamara kung saan diniin ng mga testigo si de Lima.
“I’m aghast by some people’s propensity for doublespeak,” dagdag ni de Lima.
Nanindigan naman si Lacson sa kanyang pahayag na may sapat na ebidensiya na kasuhan si de Lima sa korte, na posibleng maging daan para sa paglalabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
“I can bet on that,” giit ni Lacson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.