Van sumalpok sa bahay; 1 patay, 6 sugatan | Bandera

Van sumalpok sa bahay; 1 patay, 6 sugatan

John Roson - August 19, 2015 - 06:03 PM

zamboanga city
Isang tao ang nasawi habang anim pa ang nasugatan nang sumalpok ang van sa isang bahay sa Zamboanga City kaninang madaling-araw, ayon sa pulisya.

Dead on the spot ang isa si Langka Sabiran, isa sa mga nasa loob ng bahay, habang malubhang nasugatan sina Toto Sabiran, Ayang Sabiran, at Maulidan Sabiran, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police.

Bahagyang pinsala naman ang tinamo ng tatlo sa mga sakay ng van, na nakilala bilang sina Sambas Mabang, Annisa Mangadang, at Jeremy Toledo, pawang mga taga-Cotabato City, ayon sa ulat.

Naganap ang insidente sa Sitio Lower Tigbao, Barangay Tictapul, dakong alas-12:20.

Minamaneho ni Alimudin Kabuntalan ang van (LHC-869) mula Cotabato City patungong Zamboanga City, nang biglang lumipat sa kabilang lane at mahulog sa road shoulder ang sasakyan, ayon sa ulat.

Matapos iyo’y nagtuluy-tuloy ang van sa bahay ng mga Sabirans, na gawa lang sa “light materials.”

Lumabas sa imbestigasyon na nakaidlip si Kabuntalan habang nagmamaneho kaya naganap ang insidente.

Isinugod ang mga sugatan sa Vitali Lying-In Clinic at nilipat sa Western Mindanao Medical Center para sa karagdagang lunas.

Nasa kostudiya na ng Zamboanga City Police Station 1 si Kabuntalan at ang van para sa karagdagang imbestigasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending