Gabbi Garcia, Xian Lim napiling host para sa Miss Universe PH 2025

NGAYON pa lang ay abangers na ang mga Pinoy pageant fans sa gaganaping grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2025.
Sino nga kaya ang susunod na magre-represent sa Pilipinas sa inaabangang Miss Universe 2025 pageant sa Thailand sa darating na November 21.
Magkakaalaman na sa pagrampa ng mga napiling kandidata ngayong taon sa darating na May 2, 2025, Friday, sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.
Pero bago nga ang finals night, idaraos muna ang Miss Universe Philippines 2025 preliminary competition sa April 28, Sabado, sa Newport Performing Arts Theater.
Magbabakbakan sa pagandahan, awrahan at patalinuhan ang 66 contestants mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas kung saan isa nga sa kanila ang mabibigyan ng chance na maiuwi sa bansa ang Miss Universe title and crown.
View this post on Instagram
Kamakailan, ibinandera na ng 11 participating country ang kanilang official candidate para sa Miss Universe 2025. Asahan ang announcement ng iba pang kandidata sa mga susunod na buwan.
Last year, si Chelsea Anne Manalo ang lumaban para sa bandera ng Pilipinas at umabot sa top 30 semifinalists.
Samantala, ang magsisilbing hosts naman para sa Miss Universe Philippines 2025 coronation night ay ang Kapuso actress IT Girl na si Gabbi Garcia at ang actor-director na si Xian Lim.
Si Gabbi rin ang nag-host ng naturang national pageant last year kasama ang kapwa Kapuso star na si Alden Richards.
Sina Erika Kristensen-Lee at Tim Yap naman ang napiling backstage hosts para sa Miss Universe Philippines 2025 grand coronation night.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.