Napoles nagsasalitang mag-isa—abogado | Bandera

Napoles nagsasalitang mag-isa—abogado

Bella Cariaso - October 27, 2013 - 02:22 PM

ANG korte na ang magdedesisyon kung ano ang nararapat kaugnay sa  umano’y problema sa pag-iisip ng hinihinalang utak sa P10 bilyon pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles makaraang isiwalat ng kanyang abogado na nagsasalita ito nang mag-iisa.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, inaasahan nila na magsusumite ang abogado ni Napoles na si Atty. Lorna Kapunan ng petisyon sa korte kaugnay ng sinasabing mental health ng kanyang kliyente.

“Hindi ko alam ‘yung basehan ng sinasabi ni Atty. Kapunan. Hayaan na lang natin ang korte kung meron silang mosyon na ipa-file sa korte ay bahala na.

Sasagot siyempre ang ating mga prosecutors at titingnan ng korte kung kaninong panig ‘yung kanilang kakatigan,” sabi ni Valte.
Nauna nang sinabi ni Kapunan na mismong ang resident doctor sa Fort Sto. Domingo ang nakakarinig na nagsasalita si Napoles nang mag-isa sa gabi.

“If a motion is filed in court in that effect, we will meet it also in court and, siyempre, ‘yung basehan nila itse-check din ng gobyerno iyan. Hindi naman natin tatanggapin—we will not take their word for it, certainly,” aniya.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending