MATINDI ang nangyaring girian sa pagitan ng mga pulis at mga raliyista kahapon ng umaga sa harap ng embahada ng Estados Unidos. Kung makikita ang video footage kung paano nagpaka-brutal ang mga miyembro ng Philippine National Police, tiyak na mag-iinit ang ulo ninyo. Nakagugulat at nakakakulo ng dugo nang sagasaan ng isang police mobile ang […]
MARAMI at walang patid ang pagbibigay-pugay na iniaalay ngayon kay Letty Jimenez-Magsanoc, higit na kilala sa tawag na LJM, matapos siyang sumakabilang-buhay nitong bisperas ng Pasko. Walang kwestyon, walang kokontra na si LJM, ang editor-in-chief ng Philippine Daily Inquirer, ang isa sa mga haligi ng industriya ng pamahahayag sa bansa ay higit pang kilala dahil […]
MAHABA-HABA pa ang proseso bago pa tuluyang madesisyunan ang disqualification case ng presidential frontrunner na si Senador Grace Poe. Sa botong 3-0, ibinasura ng second division ng Commission on Elections (Comelec) ang kandidatura sa pagkapangulo ni Poe, na ayon sa kanila ay nagbigay ng maling pahayag hinggil sa kanyang residency at sa status ng kanyang […]
ISANG mainit na isyu ang ginawang panayam sa artista at senatorial bet na si Alma Moreno ng broadcast journalist na si Karen Davila halos dalawang linggo na ang nakararaan. Marami sa nakapanood nito ang napangiwi, napakamot ng ulo at napailing na lang ang ulo. Yung iba ay nakaramdam ng awa para kay Moreno, habang ang […]
MARAMI ang hindi na nagulat sa pagbabago ng isipan nitong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tuluyang tumakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan sa Mayo 2016. Hindi na rin tayo nagtataka na pagkatapos na pagkatapos niyang sambitin ang kanyang planong pagsabak sa presidential race sa isang birthday party sa Dasmarinas, Cavite, Sabado ng […]
MINSAN nang hinimay rito ang pabago-bagong isip ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte hinggil sa kung ano ba talaga ang ba-lak niya para sa 2016 elections. Ilang buwan na ang nakalipas simula nang tukuyin ang atras-abanteng posisyon ni Duterte, at eto na naman ang alkalde, dumale na naman sa kanyang pabago-bagong posisyon hinggil sa kanyang […]
SA pagharap ngayong araw ni Pangulong Aquino sa sambayanang Pilipino, marami ang umaasa na magiging makatotohanan ang kanyang huling State of the Nation Address. Siyam na buwan na lamang ang nalalabi sa kanyang panunungkulan, at kailangang malaman ng publiko ang tunay na kalagayan ng bayan; kung ano nga ba ang mga nagawa at hindi nagawa […]
PINAG-iingat ni Senador Serge Osmena si Senador Grace Poe sa kapwa nila senador na si Chiz Escudero. Payo ni Osmena kay Poe na kung tatakbo siya bilang pangulo sa darating na halalan ay tumakbo siya bilang independent, at hindi kinakailangang isama si Escudero. Lumutang na rin kasi ang balita na posibleng manukin ng dating political […]
HALOS tatlong taon na ang nakararaan pero ang tone-toneladang basura na ibinagsak ng Canada sa Pilipinas ay nakatambak at namamaho pa rin sa loob ng bisinidad ng Bureau of Customs. Hunyo 2013 nang malayang nakapasok sa Manila International Container Port ang mga basura ga-ling ng Canada dahil idineklara ito bilang imported shipment na naglalaman ng […]