EDITORIAL: Magarbong huling SONA ni PNoy | Bandera

EDITORIAL: Magarbong huling SONA ni PNoy

- July 27, 2015 - 10:00 AM

SA pagharap ngayong araw ni Pangulong Aquino sa sambayanang Pilipino, marami ang umaasa na magiging makatotohanan ang kanyang huling State of the Nation Address.

Siyam na buwan na lamang ang nalalabi sa kanyang panunungkulan, at kailangang malaman ng publiko ang tunay na kalagayan ng bayan; kung ano nga ba ang mga nagawa at hindi nagawa ng pamahalaang Aquino, pang-ekonomiya man iyan o politikal.

Kailangang maging tapat si Ginoong Aquino sa kanyang magiging huling ulat sa bayan. Hindi sana malihis sa pama-magitan ng mapalabok na pananalita at matabunan ng masigabong palakpak sa loob ng session hall ng Batasang Pambansa kung ano ang nandudumilat na kalagayan ng simpleng mamamayan na una na niyang tinawag na mga “boss”.

Sa palibot palang ng gusali ng Batasan, isang katotohanan ang naghuhumiyaw: Mara-ming mga naninirahan dito ay pawang mga mahihirap – walang sariling bahay, walang trabaho, walang sapat na pagkain, o silang mga “isang kahig, isang tuka”.

At sakabila ng katotohanang ito, isa ring reyalidad ang tatambad sa lahat: Ang pagiging manhid ng maraming magsisidalo sa huling SONA ni Ginoong Aquino.

Maituturing na isang mala-king piging ito ng mayayaman at nakaririwasa, habang ang mga kumakalam na sikmura ng maralitang Pilipino ang nakatanghod sa kanila.

Sa magagarbong damit na suot ng mga babaeng mambabatas tiyak na tatalunin pa nila ang ilang mga bigating artista ng Hollywood. Bukod sa mga designer clothes at sapatos, branded din ang kanilang mga bag at mamahaling mga alahas at burloloy ang kanilang suot.

Padadaig ba naman ang mga kalalakihan na mga ba-nidoso rin kung magsipaggayak? Kung ilang daang libong piso ang ginugol sa “pinyang” barong na dinisenyo at tinahi ng mga kilalang fashion designer at branded na sapatos na tiyak ay di gawa sa Marikina.

Nakalulula talaga ang huling SONA ni Ginoong Aquino.

Pati ang gastos sa pagkain ay sadyang nakalulula rin.

Umaabot sa P2.5 milyon salapi ng bayan ang gugugulin para ipakain sa may 2,750 katao na dadalo, na siguradong hindi pa nakaranas ng kagutuman sa tanang buhay nila.

Bukod dito, gwardiyadong-gwardiyado ang mga taong dadalo sa “piging”. Aabot sa 3,500 pulis ang mangangalaga sa kanilang seguridad sa labas ng Batasan; habang 1,700 naman ang nakatalaga sa loob mismo ng gusali.
Nakalulula talaga ang hu-ling SONA ni Ginoong Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kanilang piging, maiisip kaya nila ang mga naghihikahos at nagugutom na kababayan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending