Website ng House of Representative ‘pinuntirya’ ng hackers

Website ng House of Representative ‘pinuntirya’ ng hackers

Pauline del Rosario - October 16, 2023 - 10:58 AM

Website ng House of Representative ‘pinuntirya’ ng hackers

PHOTO: Screengrab from House of Representative website

ISA nanamang website ng Philippine government ang na-hack!

Nangyari ‘yan nitong October 15 kung saan inatake ito ng isang grupo ng hacker na kung tawagin ay “3MUSKETEERZ.”

Unang na-publish sa website ang isang troll face meme na may mga katagang, “you’ve been hacked” at “have a nice day.”

Makikita rin sa ibaba ng nasabing meme ang mensaheng, “Happy April Fullz Kahit October palang! Ayusin ang iyong Website.”

Makalipas ang ilang minuto, hindi na ma-access ang website ng House of Representatives.

Samantala, accessible pa rin naman ang official social media pages ng lower chamber.

Dahil sa nangyari, naglabas ng pahayag ang House of Representative at tiniyak nila sa publiko na agad na nila itong inaayos.

Baka Bet Mo: Philippine Marine Corps, naglabas ng panibagong website para sa mga nais magserbisyo sa bansa

Nabanggit din sa statement na nakikipag-ugnayan na sila sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang tugunan at imbestigahan ang insidente.

“We wish to inform the public that the official website of the House of Representatives experienced unauthorized access earlier today,” sey ng House of Representatives.

Patuloy pa, “Immediate steps have been taken to address the issue, and we are working closely with the Department of Information and Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), and law enforcement agencies concerned to investigate the matter.”

“While we work to restore the website fully, we ask for patience and understanding. We are committed to ensure the security and integrity of our digital platforms, and we will implement additional measures to prevent such incidents in the future,” dagdag pa.

Nanawagan din ang House of Representatives sa publiko na maging maingat sa anumang kahina-hinalang email o komunikasyon na nagsasabing mula sa mababang kamara.

“We will keep the public updated as more information becomes available,” saad sa pahayag.

Kung maaalala, noong September 22 lamang ng ma-hack ang system ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kung saan hindi ito ma-access ng halos isang linggo.

Naapektuhan diyan ang workstation ng mga empleyado at application servers, pati na rin ang data ng users, kabilang na ang mga pangalan, address, date of birth, gender, phone numbers, at PhilHealth identification numbers.

Noong August 31 naman nang makaranas din ng cyberattack ang OneExpert porta ng Department of Science and Technology (DOST).

Sa isang pahayag na inilabas noong October 13, tiniyak ng DOST na walang personal na data ang nakompromiso ng virtual assault.

Read more:

Ivana Alawi pasok sa Top 5 ng ‘100 Most Beautiful Faces 2021’, Blackpink Lisa No. 1 sa listahan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jackie Forster umalma sa post ng media website na ‘pasaway’ si Kobe Paras

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending