FB account ni Jaclyn Jose muling na-hack, nagreklamo na sa NBI: Bastos at walang galang itong gumagawa ng ganito | Bandera

FB account ni Jaclyn Jose muling na-hack, nagreklamo na sa NBI: Bastos at walang galang itong gumagawa ng ganito

Ervin Santiago - November 30, 2022 - 08:00 AM

FB account ni Jaclyn Jose muling na-hack, nagreklamo na sa NBI: Bastos at walang galang itong gumagawa ng ganito

Jaclyn Jose

INIREKLAMO na ng award-winning actress na si Jaclyn Jose sa National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang beses na pangha-hack sa kanyang social media accounts.

Ibinalita ng veteran Kapuso actress na hindi lang isang beses na-hack ang kanyang Facebook account kaya naman naalarma na siya at hiningi na ang tulong ng mga taga-NBI.

Sa kanyang Instagram page, sinabi ni Jaclyn na na-recover na niya noong November 26 ang na-hack na FB account. Nagpalit na rin daw siya ng password pero nagawa pa rin itong buksan ng hacker.

Unang ibinalita ni Jaclyn sa publiko na na-hack ang kanyang FB account noong November 23.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)


At dahil nga sa nangyari, hindi muna siya magpo-post ng kahit ano sa social media,  “To all my hacker…. na ka hacked pa din ako nag pahinga lang magaling tong mga tao nato… I will not message.. post any… nagpalit nako pass word nakuha pa.”

Umaasa ang premyadong aktres na mahuhuli ng mga operatiba ng NBI  ang mga taong nang-hack ng kanyang Facebook account. Sey pa ni Jaclyn, may idea na siya kung sinu-sino ang mga ito.

“To every one … wala napo ako social media… hanapin ko muna hacker pina NBI ko na at saka na lang ako babalik.

“Bastos at walang galang itong gumagawa. I will not post… nor text any one lalo na kung money involved… ignore.

“Hahanapin ko. Malapit na meron na akong lead… antayin na lng nia,” ang pagbabanta pa ni Jaclyn Jose sa mga hacker.

Jaclyn Jose biktima rin ng hacking, nagbabala sa publiko: Please huwag paloko

Facebook page ni dating QC Mayor Herbert Bautista na-hack

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

YouTube channel ni Marcelito Pomoy na-hack: Shame on those people doing this!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending