Jaclyn Jose biktima rin ng hacking, nagbabala sa publiko: Please huwag paloko | Bandera

Jaclyn Jose biktima rin ng hacking, nagbabala sa publiko: Please huwag paloko

Therese Arceo - November 24, 2022 - 04:33 PM

Jaclyn Jose biktima rin ng hacking, nagbabala sa publiko: Please huwag paloko

TILA nauuso na ngayon ang pangha-hack ng social media accounts ng mga artista at ang latest victim nga ay ang beteranang actress na si Jaclyn Jose.

Nitong Miyerkules ng gabi, November 23, ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram na na-hack nga ang kanyang Facebook account.

Makikita sa screenshot na kanyang in-upload na tila nangungutang ang account ni Jaclyn sa isang kaibigan ng halagang P20,000.

“My phone has been hacked…pls ignore if some one is asking for money [hindi] po ako yun,” caption ng aktres.

May mga iba pang impormasyon na sinabi si Jaclyn sa comment section ng kanyang post.

“Ang style kamusta.. those who me, alam nila hindi ako yan.. pls wag paloko….ako na sana ang huling naloko ng mga taong ito,” lahad niya.

Para sa mga nakakakilala sa aktres, alam nito na hindi mahilig mangamusta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Hinala pa nga niya ay taga-industriya rin ang taong nang-hack ng kanyang account.

“I think taga industry ito ..alam nia ang zoom( meaning d puede video call kasi nasa zoom,” pagbabahagi ni Jaclyn.

Sa isa pang hiwalay na post ay nangungutang rin ang kanyang hacker sa iba pa niyang kaibigan ngunit hindi na kita kung magkano ang hinihiram nito.

“Pls ignore if some one is asking for money na hacked po phone…hindi po ako yun,” sabi pa niya.

Nagbigay naman ng payo ang mga netizens kay Jaclyn para  sa susunod ay makaiwas ito sa hackers.

“Pls don’t click anything. Change your password.. must be a strong one,” comment ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “ingat po olweys mam magbago po ng password.”

Hindi lang si Jaclyn ang celebrity na na-hack ang social media account dahil maging si Zsa Zsa Padilla ay naging biktima nito.

Maging ang mga direktor na sina Edgar Mortiz at Joel Lamangan ay nabiktima rin ng mga social media hackers.

Related Chika:
Jaclyn Jose hindi nakatanggap ng birthday greeting mula kay Andi, may tampuhan nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jaclyn Jose, Andi Eigenmann in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram, mas lumala ang tampuhan?

Alessandra de Rossi kay Empoy: Pasensya ka na, hindi kita mahal

Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending