Jaclyn Jose, Andi Eigenmann in-unfollow ang isa't isa sa Instagram, mas lumala ang tampuhan? Bandera

Jaclyn Jose, Andi Eigenmann in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram, mas lumala ang tampuhan?

Reggee Bonoan |November 04,2022
share this

Jaclyn Jose, Andi Eigenmann in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram, mas lumala ang tampuhan?

Reggee Bonoan - November 04, 2022 - 09:59 AM

Jaclyn Jose, Andi Eigenmann in-unfollow ang isa't isa sa Instagram, mas lumala ang tampuhan?
FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA nitong Miyerkoles na may tampo ang aktres na si Jaclyn Jose sa panganay niyang anak na si Andi Eigenmann dahil hindi siya binati sa kanyang kaarawan.

Pinost ito ng beteranang aktres sa kanyang Instagram account kamakailan na hindi nga siya binati ng anak kasama ng fiancé nitong si Philmar Alipayo.

Ayon pa kay Jaclyn baka raw busy kaya hindi siya binati at ang mensahe nito sa soon to be son-in-law ay tatay siya ng mga apo nitong sina Lilo at Koa na okay lang na hindi ito bumati. Ang apong si Ellie lang ang bumati sa kanya through video call.

Mukhang hindi maganda ang naging dating kay Andi ng posts na ito ng nanay niya dahil pinost niya sa kanyang IG stories ang video ng hindi kilalang babae na nagkukuwento kung paano siya pinalaki ng narcissistic parent.

Samantala, parehong in-unfollow nina Andi at Jaclyn ang isa’t isa sa Instagram, sino kaya ang nauna?

Ang ilang komentong nabasa namin mula sa netizens mula sa showbiz online.

“Nagtatampuhan pa rin sila hanggang ngayon kahit na malayo na sila sa isat isa?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

“Magkakabati din yan. Di nila matitis ang isat isa.”

May mga nabasa rin kaming nag-agree kay Andin a toxic nga si Jaclyn.

“I agree. Her mom is kinda toxic and narcissist person.”

May sumagot ng, “yes a lot of people agree. I agree. I think by now everyone knows Jaclyn is somewhat toxic. So, there’s no point in posting this except to hurt her mom even more. a simple phone call after the Jaclyn’s post would’ve been ok. Dami ng tiniis ni Jaclyn before sa mga kabulastugan ni Andy, ano b nmn tunh she didn’t greet her on her bday.

Payo kay Andi, “I know. A simple call would make it okay. It’s her mom no matter what. Maybe this is just a simple miscommunication. I hope things get better between the two of them. Life is short. You’ll never know until it’s too late. Todo tanggol sa’yo ‘yan nu’ng panahon na hindi mo malaman kung sino ba talaga tatay ng anak mo. Lol.”

Pagtatanggol pa kay Jaclyn, “Yes! I remember c mader pa ‘yung matapang away nang away du’n sa family ni Albie. Tsaka pinagtanggol din xa dati kasi mababa daw tingin ng mga Ejercito sa kanya.”

“True!! Kapal ng mukha ni Andi kala mo napaka bait na anak. Walang perpektong anak pero wala ding perpektong magulang. Babatiin lang sa birthday di pa magawa, imbes pinaparinggan pa,” punto naman ng netizen.

Dagdag pa, “Nanay ka na din, Andi. Sana di mo danasin yang ginagawa mo pagdating ng panahon at malalaki na din anak mo.”

May nagsabi ring, “I can’t blame Andi. I know how it feels to have a toxic mother.”

“Naku andi pakumbaba ka na lang kaya. Di natin masabi ang bukas your mother is old na po.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Opinyon din ng isa pang follower, “Big thanks to your narcissistic parent who always got your back everytime you had a scandal.”

May pumanig kay Andi, “I can totally relate on Andi on this. It’s hard to heal pag nanggaling ka sa dysfunctional family. Kahit pa the love is there between a parent and a child, mapapasa mo talaga sa anak mo lahat ng baggages if left unsolved.”

Marami pa kaming nabasang komento na karamihan ay hindi pabor sa ginawa ni Andi by posting tungkol sa narcissist, sana naisip nito na may edad na ang nanay niya at hindi na dapat pinasasama ang loob nito.

Tanong nga sa mama nina Ellie, Lilo at Koa, “Dont you have any friends Andi?? Although I believe her mom is toxic. You don’t have to put it out there for the world to see. It’s for you to deal with. she didn’t say anything bad about you. the way she worded it parang nagtatampo lng.

At ang payo rin kay Andi, “yes it gabe a bad impression about you but that’s how social media works. A simple phone call cguro can at least do the work. It was her b-day. I know it’s hard being her daughter I totally get it but you could’ve kept quiet na lng. She was fighting everyone with her guts, her life, as in everyone who were bashing you, or questioning the father of your child, and every other issue you had before. You know she loves you. The public already knows she’s narcissistic and kinda toxic, you don’t have to show her that you’re telling the world. my mom and I have issues, but I always complain and cry to my friends. my closest friends. I have never and will never post something like that about my mom for all the world to see. that’s what my bffs are for. so I can tell them what I feel.”

Marami pa kaming nabasang hindi magaganda ang comment pero marami ring nagsabi n asana magka-ayos na ang mag-ina lalo’t malapit na ang Pasko.

Related Chika:
Jaclyn Jose hindi nakatanggap ng birthday greeting mula kay Andi, may tampuhan nga ba?

Andi gusto pa ring bumalik sa showbiz, pero…

Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Andi Eigenmann umaming naloloka rin sa pag-aalaga ng 3 anak: Sinasabi ko na lang, ‘Ginusto mo yan, eh!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending