Andi Eigenmann umaming naloloka rin sa pag-aalaga ng 3 anak: Sinasabi ko na lang, 'Ginusto mo yan, eh!' Bandera

Andi Eigenmann umaming naloloka rin sa pag-aalaga ng 3 anak: Sinasabi ko na lang, ‘Ginusto mo yan, eh!’

Ervin Santiago |May 31,2022
share this

Andi Eigenmann umaming naloloka rin sa pag-aalaga ng 3 anak: Sinasabi ko na lang, ‘Ginusto mo yan, eh!’

Ervin Santiago - May 31, 2022 - 11:32 AM

Philmar Alipayo, Andi Eigenmann, Ellie, Koa at Lilo

INAMIN ng aktres na si Andi Eigenmann na may mga pagkakataong halos “mabaliw” na rin siya sa pag-aalaga sa tatlo niyang mga anak.

Idinaan ng fiancée ng professional surfer na si Philmar Alipayo sa Instagram ang ilan sa mga mommy problems na pinagdaraanan niya bilang bahagi ng kanyang motherhood journey.

Nagbahagi si Andi ng litrato ng mga anak na sina Ellie, Koa at Lilo habang naglalaro sa beach kalakip ang mga hugot niya sa pagiging nanay.

“On days that I feel like I am going crazy with all these kids, I just tell myself, ‘Ginusto mo yan!’ (crying and laughing emoji). But kidding aside, yes, I did ask for this! I wanted this,” ang bahagi ng caption ni Andi.

Ayon pa sa panganay na anak ni Jaclyn Jose, napakabilis din daw ng pagdaan ng panahon dahil sa isang iglap lang ay 10 years old na si Ellie habang unti-unti na ring lumalaki ang dalawang anak nila ni Philmar at nagiging curious na rin sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid.

At sa gitna nga ng mga challenges na hinaharap niya bilang ina, ang palagi lang niyang iniisip ay ang mabigyan ng maayos at magandang buhay ang kanyang tatlong anak.

Nagbahagi rin siya ng isang quote sa kanyang mga followers na ina-apply niya palagi sa iba’t ibang sitwasyon na pinagdaraanan niya as a mother and partner of Philmar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


“I hope for the wild children with their bare feet and eyes that sparkle. The restless climbers.

“The ones that use outside voices, that sing like no one is around. These wonder-filled glorious mess makers dreaming of mountains and mud, aching through a field of stars. My little wildlings!” pahayag ng aktres.

Sa huling bahagi ng kanyang IG post, nag-share rin si Andi ng message para sa tatlong anak kung saan ipinagdiinan niya ang kanyang ibinibigay na unconditional love at tanggap na tanggap niya ang magkakaibang ugali ng mga bagets.

Matatandaang ilang buwan ding nawala sa Siargao ang pamilya ni Andi matapos manalanta ang Typhoon Odette.

Isa sa mga naapektuhan ng bagyo ay ang bahay nila sa isla at habang pinaaayos nila ito ay sa Maynila muna sila nag-stay.

Andi gusto pa ring bumalik sa showbiz, pero…

Si Nadine Lustre na nga ba ang bagong ‘Andi Eigenmann’?

Hiling ni Karen Bordador: Marami pang mapalaya sa mga kulungan na walang kasalanan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending