Editorial: Ano ba talaga, Duterte? | Bandera

Editorial: Ano ba talaga, Duterte?

- September 28, 2015 - 11:09 AM

MINSAN nang hinimay rito ang pabago-bagong isip ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte hinggil sa kung ano ba talaga ang ba-lak niya para sa 2016 elections.
Ilang buwan na ang nakalipas simula nang tukuyin ang atras-abanteng posisyon ni Duterte, at eto na naman ang alkalde, dumale na naman sa kanyang pabago-bagong posisyon hinggil sa kanyang presidential bid.
Unang linggo ng Setyembre, nagsalita si Duterte na “final” na ang kanyang desisyon na hindi tumakbo sa pampanguluhang halalan sa darating na taon.
Isang ‘million march’ para kay Duterte ang isinagawa nitong Sabado, na sa totoo lang ay hindi man lang umabot ng daang libo, ang nagtipon sa harap ng Quirino Grandstand, para siya kumbinsihin na tumakbo.
Hayun! Bigla na namang naiba ang ihip ng hangin at nabago na naman ang pahayag ni Duterte.
Panibagong huling apela ang inihirit ng alkalde ng Davao City: Sa pagkakataong ito ay bigyan pa raw siya ng dagdag na oras para sa kanyang “final soul-searching”.
Kamakailan, sa roundtable interview sa mga editor ng Inquirer at mga sister company nito kabilang ang Bandera, mariin ang pagkakahayag ni Duterte na ayaw raw niya talagang tumakbo.
Nang usisain kung bakit panay ang paglilibot niya sa iba’t ibang bahagi ng bansa at kung bakit nagkalat ang kanyang mga tarpaulin at panay-panay rin ang pag-ere ng kanyang mga political ad sa telebisyon at radyo, walang pakundangan niyang itinuro ang kanyang mga organizer na siyang may pakana umano sa lahat.
Pati ang pondo o pananala-ping ginagamit sa mga operas-yong ito ay pawang mga organizer din daw niya ang may pakana.
Gaya na rin nang nasabi natin noong una, kung talagang ayaw ni Duterteng tumakbo, hindi na dapat tayo nakaririnig sa kanya ng kung ano-ano pang pasakalye.
Sabi nga sa gay lingo, “echoserang froglet” itong si Duterte dahil sa mga tila “pagpapaikot” na ginagawa niya sa publiko, higit lalo sa mga tunay na sumusuporta sa kanya.
Kung talagang ni sa hinagap ay hindi talaga pinlano ni Duterte ang tumakbo sa pampanguluhan, disin sana ay hindi na niya pinaaasa ang mga taong nagpupumilit na siya ay tumakbo noong una pa man.
Maaari naman niyang sabihin na “ayaw kong tumakbo, period.”
Pero ang nakakapagtaka rito ay kung bakit ini-entertain pa rin niya ang ideyang siya ay tumakbo? Nangangahulugan lang na inasam niya rin ito, kahit papaano.
At habang nagsasagawa si Duterte ng sinasabing “final soul searching”, dapat din niya ring isipin at ikonsidera ay yung mga taong nilapitan at hiningan ng kontribusyon para sa kanyang presidential bid.
Sa dami ng nais na siya ay tumakbo, walang duda na marami na rin ang nagkusang magbigay ng pondo para sa kanyang kandidatura. Wala ring duda na marami na ring umikot para ipangalap siya ng pondo.
Kung desidido nga si Duterte sa hindi niya pagtakbo, isipin niya kung kani-kaninong bulsa mapupunta ang perang iniambag o di kaya ay ipinang-ikot para sa kanya ng mga taong sinasabi niyang kanyang mga organizer?
Sa mga bagay na ito, hindi dapat pabago-bago ang isip; hindi dapat atras-abante, laban-o-bawi o urong-sulong.
Ano ba talaga, Duterte? Ang gulo mo, e.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending