Basura ng Canada dapat ungkatin ni PNoy kay Harper | Bandera

Basura ng Canada dapat ungkatin ni PNoy kay Harper

- May 07, 2015 - 03:00 AM

HALOS tatlong taon na ang nakararaan pero ang tone-toneladang basura na ibinagsak ng Canada sa Pilipinas ay nakatambak at namamaho pa rin sa loob ng bisinidad ng Bureau of Customs.

Hunyo 2013 nang malayang nakapasok sa Manila International Container Port ang mga basura ga-ling ng Canada dahil idineklara ito bilang imported shipment na naglalaman ng assorted plastic scrap.

Ang tone-toneladang basura ay lulan ng may 50 container van.

Nabuko ang nasabing smuggled na basura mula sa Canada nang magsagawa ng inspeksyon ang BoC kasama ang Department of Environment and Natural Resources.

Ang tinutukoy pa lang assorted plastic scraps ay mga non-recyclable plastics, adult diapers, broken bottles at glasses, papel, mga dumi sa kusina.

Sa ulat ng Department of Health, sinabi nitong kailangang i-disinfect ang mga container van na naglalaman ng basura dahil kumakatas na ito at naglalawa na. Hindi magtatagal, asahan na rin umano na magdudulot ito ng sakit at mas malaking environmental problem.

Kaya nga, sa pagbisita ni Pa-ngulong Aquino sa Canada nga-yong araw, magkusa sana ito na ihain ang nasabing problema sa mga opisyal ng Canada.

Sana lang, ayon sa mga environmental groups, ay magkalakas ng loob si Ginoong Aquino na talakayin ang problemang idinudulot sa bansa ng basurang galing sa Canada.

Hindi dapat masentro lamang ang pag-uusap nina G. Aquino at Canadian Prime Minister Stephen Harper sa maayos na ugnayan ng dalawang bansa partikular na ang kalakalan.

Ang nakakalungkot ay hindi pa man din nagkikita ang dalawang opisyal ay meron nang pahayag itong si Environment Secretary Ramon Paje na hindi na ipupursige ng Pilipinas ang hiling nito sa Canada na kunin ang kanilang santambak na basura.

Sa ngalan ng diplomatic relations, ipinagpalit nitong si Paje ang basurang itinapon sa atin ng Canada.

Malinaw na sa pahayag ni Paje, ayos lang na gawing basurahan ng Canada ang Pilipinas!
Sa talumpati ni G. Aquino kahapon bago ang kanyang pag-alis patungong US at Canada, wala itong binanggit tungkol sa nabubulok na basurang itinapon ng Canada sa Pilipinas.

Tila mas nais pang tiisin ni G. Aquino ang malanghap ng mga kababayan niya ang umaalingasaw na amoy ng basura kaysa iparating sa Canada ang nasabing problema.

Ayos lang kaya kay G. Aquino na gawing dumpsite ng Canada ang Pilipinas maipagpatuloy lamang ang sinasabing magandang relasyon at maunlad na kalakalan nito sa nasabing bansa?

Hindi tama ang ganitong uri ng relasyon.

Ang patas na relasyon at kalakalan ay mananaig lang kung walang pagsasamantala o panlalamang na ginagawa ang isa sa kanyang kapareha.

Mali ang katwiran ng Canada na sabihin na ang usapin ay isang “private commercial matter” at
usapin lamang sa pagitan ng exporter at importer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang usapin ng basurang itinapon sa atin ng Canada ay hindi dapat palagpasin ni G. Aquino. Sa kanyang pakikipagpulong kay G. Harper, makikita kung anong klaseng pangulo si G. Aquino kung hahayaan lang niya ang ginawang pambababoy sa atin ng Canada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending