Editorial: Hamon kay Alma Moreno | Bandera

Editorial: Hamon kay Alma Moreno

- November 30, 2015 - 05:22 PM

ISANG mainit na isyu ang ginawang panayam sa artista at senatorial bet na si Alma Moreno ng broadcast journalist na si Karen Davila halos dalawang linggo na ang nakararaan.
Marami sa nakapanood nito ang napangiwi, napakamot ng ulo at napailing na lang ang ulo. Yung iba ay nakaramdam ng awa para kay Moreno, habang ang iba naman ay natawa at nilait-lait din ang aktres na ilang beses na tila ay hindi mawari kung anong isasagot sa mga tanong na ipinukol sa kanya ng announcer sa telebisyon.
Hindi rin naiwasan na marami ang pumuna at kumuwestyon sa pamamaraan ng pagtatanong ng brodkaster. Bakit nga raw hindi ito nagtagalog nang saganon ay maayos na naintindihan ng kanyang kinakapanayam ang mga tanong. Bakit nga raw tila parang “gi-nisa” nito ang aktres sa mga mabibigat na tanong.
Napanood din namin ang nasabing kontrobersyal na panayam. At naroroon ang paniniwala na tama lang ang ginawa ni Davila – ang gawin ang kanyang trabaho. Kung may nakapagsabi na parang ginipit nito ang aktres sa pamamaraan ng kanyang pag-uusisa, tama lang naman siguro
iyon.
Senador ang posisyon na tinatakbuhan ni Moreno – hindi isang ordinaryong trabaho o posisyon sa gobyerno, na ma-gandang pagmumukha, kasikatan o popularidad lang ang maaaring maging puhunan. Dito, siya ay lilikha ng batas, resolusyon o polisiya na ilalatag para sa 100 milyong mamamayang Pilipino. Tatalakay siya ng taunang budget na gagamitin ng pamahalaan para tumakbo ang gobyerno at mapagsilbihan ang mamamayan. Hihimay siya o mag-iimbestiga ng mga kontroberysal na isyu, mga iregularidad o kwestyu-nableng mga kontrata at transaksyon.
Ang kagaya ni Moreno na tatakbo sa pagkasenador ay dapat hindi lang buo ang loob at may paninindigan kundi may malalim rin na kamalayan o kaalaman sa bawat pinakamaiinit na isyu ng bayan, lalo pa’t sa mga usapin na malapit sa bituka ng maliliit na mamamayan, u-pang sa ganon ay maipaglaban at maisulong niya ang kapakanan ng mga ito.
Hindi dapat panghinaan ng loob si Moreno sa mga ganong uri ng “panggigisa” sa kanya sa mga panayam pang darating. Unawain niya na kailangan siyang pigain sa bawat mabibigat na isyu upang malaman ng bayan kung hanggang saan niya kayang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
Huwag sana niyang isipin o ng kanyang pamilya na ginigipit o nais lang siyang hiyain sakaling muli man siyang tanu-ngin kung anong posisyon niya o anong magagawa niya sa mga pinakamabibigat na isyu ng lipunan.
Hamon ito kay Moreno at sa iba pang mga artista na tumatakbo sa anumang posisyon sa darating na halalan: Hindi man nakapagtapos ng mabibigat na kurso sa mga pinagpi-pitaganang malalaking paa-ralan sa loob at labas ng bansa, hindi ito dahilan para maging mangmang sa isyu ng bayan.
Marami na tayong mga sikat na artista, na bagamat hindi nakapagtapos ng mga bigating kurso sa mga bigating unibersidad, ay nagpamalas ng kanilang galing at husay sa pamumuno o paglilingkod sa bayan. Nagsikap silang matutunan ang mga bagay na sakop ng kanilang papasukin na trabaho u-pang maayos at matiwasay nilang magampanan ang kanilang trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending