Maging si Regine Velasquez ay dismayado na rin sa nangyayari sa bansa. Sa kanyang tweet nitong Biyernes, inilahad niya ang kanyang saloobin sa araw-araw na balita ng mga taong namamatay. “Bakit parang pinabayan na lang tayo?” ani Regine sa kanyang tweet na umani ng mahigit 7,100 na likes. “Kanya kanya matira matibay ganon na lang […]
Seo Ji-hye at Kim Jung-hyun sila na nga ba? Kinilig ang fans ng sikat na Korean teleserye na “Crash Landing On You” nang lumabas ang balita nitong Huwebes na ang screen couple ay may isang taon na palang palihim na nagdi-date. Pero ang mga ahensiyang humahawak sa dalawang artista ay kapwa nagsabing walang katotohanan ang […]
Pumanaw na si dating Bayambang, Pangasinan Mayor Leocadio de Vera. Ayon sa ulat ng Inquirer, pumanaw si de Vera habang nakaratay sa Bayambang community hospital. Base sa rapid atigen test na isnagawa, positibo si de Vera sa COVID-19. Hindi pa naman sumasailalim sa swab test sa polymerase chain reaction (RT-PCR) test si de Vera. Nagsilbing […]
Isinugod sa ospital si Presidential Spokesman Harry Roque para sa COVID-19 treatment. Ayon kay Roque, dapat na mag-ingat ang lahat dahil mas transmissible o mas nakahahawa ang COVID ngayon. “I am now admitted in a hospital for COVID treatment. This is to say that COVID-19 is more transmissible now so we have to do extra […]
Tinamaan din ng Covid-19 ang TV host/singer na si K Brosas at hindi pa ito malalaman ng tao kung hindi pa niya inilabas ang laboratory test niya mula sa Detoxicare Molecural Diagnostics. Inamin nito sa kanyang Instagram na 17 days siyang na-quarantine at nakaramdam ng mental torture “After 17 days of isolation, thank you Lord […]
“Goodbye YouTube,” ang bungad ni Erwan Heussaf sa post niya sa kanyang Instagram account nito lang. Inakala tuloy namin ay tuluyan na niyang iiwan ang pagiging vlogger hindi pala kundi palalawigin pa niya ito. Ibig sabihin ay hindi na solo ng hubby ni Anne Curtis Smith-Heussaf ang YouTube channel niya dahil may mga makakasama na […]
Pansamantalang sinuspinde ng Department of Health (DOH) at Food and Drugs Administration (FDA) ang paggamit ng COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca sa mga indibiduwal na may edad 60 taong gulang pababa. Kasunod ito ng mga ulat ng rare cases kung saan nagdulot umano ng blood clot na may mababang platelets ang bakuna sa ilang […]
Kinalampag na ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangako nito na dodoblehin ang suweldo ng mga pampubikong guro. Ibinahagi ni ACT Sec. Gen. Raymond Basilio na kailangang-kailangan ngayon ng mga guro ang pera dahil sa mataas na halaga ng mga bilihin at gastos sa pagsasagawa ng distance learning. “More than […]
Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) na maiturok sa senior citizens ang Sinovac. Paliwanag ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo ang pagbabago niya ng posisyon ay base sa rekomendasyon ng mga eksperto bukod sa sitwasyon ngayon na mabilis na pagkakahawa-hawa. Gayunpaman, diin nito kailangan pa rin masuri muna ang kondisyon ng nakakatanda na […]
Matapos mag-trending ang #NasaanAngPangulo, nag-jogging si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kagabi para ipakita sa taong bayan na maayos ang lagay ng kanyang kalusugan. Sa Facebook post ni Senador Bong Go, makikita sa video na tumatakbo si Duterte sa Malacañang Park. Nakasuot ang Pangulo ng facemask at face shield. Makikita rin itong nakasakay pa […]