Regine: ‘Bakit parang pinabayaan na lang tayo?’
Maging si Regine Velasquez ay dismayado na rin sa nangyayari sa bansa.
Sa kanyang tweet nitong Biyernes, inilahad niya ang kanyang saloobin sa araw-araw na balita ng mga taong namamatay.
“Bakit parang pinabayan na lang tayo?” ani Regine sa kanyang tweet na umani ng mahigit 7,100 na likes. “Kanya kanya matira matibay ganon na lang ba talaga?”
“People are dying people we know relatives friends! Every single day may nalalagas sa atin. What’s happening??”
Ngayong Sabado, iniulat ng Department of Health ang 2,674 na karagdagang kaso ngayong araw ng COVID-19 sa bansa, at umaabot sa 853,209 ang kabuuang kaso, 190,245 nito ay aktibo. Umabot naman sa 225 ang namatay ngayong araw na sa kabuuan ay may bilang nang 14,744.
Bakit parang pinabayan na lang tayo? Kanya kanya matira mayibay ganon na lang ba talaga? People are dying people we know relatives friends! Every single day may nalalagas sa atin. 😢 What’s happening??💔💔💔
— regine alcasid (@reginevalcasid) April 9, 2021
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.