Duterte nag-jogging sa Malacañang | Bandera

Duterte nag-jogging sa Malacañang

- April 10, 2021 - 01:52 PM

 

(Courtesy: Senador Bong Go)

Matapos mag-trending ang #NasaanAngPangulo, nag-jogging si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kagabi para ipakita sa taong bayan na maayos ang lagay ng kanyang kalusugan.

Sa Facebook post ni Senador Bong Go, makikita sa video na tumatakbo si Duterte sa Malacañang Park.

Nakasuot ang Pangulo ng facemask at face shield.

Makikita rin itong nakasakay pa ng motorsiklo.

(Courtesy: Senador Bong Go)

Nanawagan si Go sa publiko na suportahan ang Pangulo dahil malungkot at mahirap ang maging pinuno ng bansa lalo na sa panahon ng pandemya sa COVID-19.

“Mga kababayan ko, malungkot at mahirap ang maging Pangulo sa panahong ito. Suportahan natin si Tatay Digong, ang taong totoong nagmamahal sa ating kapwa Pilipino,” pahayag ng post ni Go.

Matatandaang hinahanap ng taong bayan ang Pangulo, matapos makansela ang nakatakdang “Talk to the People” noong Lunes at Miyerkules.

Pero ayon kay Go, walang dapat na ipag-alala ang taong bayan dahil malakas at maayos ang lagay ng kalusugan ng Pangulo.

(Courtesy: Senador Bong Go)

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending