K Brosas tinamaan na rin ng Covid-19, ikinuwento ang mental torture
Tinamaan din ng Covid-19 ang TV host/singer na si K Brosas at hindi pa ito malalaman ng tao kung hindi pa niya inilabas ang laboratory test niya mula sa Detoxicare Molecural Diagnostics.
Inamin nito sa kanyang Instagram na 17 days siyang na-quarantine at nakaramdam ng mental torture
“After 17 days of isolation, thank you Lord negative na! Yes nagka-Covid ako mild symptoms lang pero iba po ‘yung mental torture o praning feels buti sanay ako mag-isa hehe pero iba din ‘yung ang daming stress tapos dumagdag pa to at nag ECQ uli buti na lang din walang taping at work muna para sa safety ng lahat.
“Kahit sanay kang mag-isa iba pag may dinadala ka na ganyan ‘yung simple at normal kong pagluluto di ko nagawa kc ako lang kakain hehe, pero sobrang vitamins galore kahit lagi na naman mula ng nag simula ang covid iniisip ko na lang na masuwerte ako at mild lang.
“Ang daming kawawa, iba dinadala sa isolation facility o hospital na ngayon puno na at buong pamilya damay ako mag-isa sa condo na masuwerte pa din talaga, pero sobrang kabado ako para sa driver ko, kay manang at sa anak ko, buti lahat negative.
“Kami lang talaga ng assistant ko (na negative na din!). Anyway, hindi po biro tong virus na to, doble ingat kung malakas katawan mo o tingin mo kakayanin mo isipin mo ‘yung mga di kakayanin na mahahawa mo social responsibility na lang at ‘wag kalimutan na ‘yung mental health mo apektado sobra.
“Salamat sa Diyos na kahit ano pa man nangyari saken, mas pinalakas ako at patuloy na lumalaban lang syet! Sensya na di nako nakapag-vlog chos be safe and be healthy! lablablab!”
Isa si K Brosas sa host ng Lunch Out Loud kasama nina Alex Gonzaga, Billy Crawford at iba pa na nakabakasyon muna sa taping dahil sa Enhance Community Quarantine 2 sa buong NCR at karatig lugar sa Metro Manila.
View this post on Instagram
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.