Bea ibinunyag na biktima siya ng emotional abuse. Pero mahal pa rin nga ba si Gerald? | Bandera

Bea ibinunyag na biktima siya ng emotional abuse. Pero mahal pa rin nga ba si Gerald?

Reggee Bonoan |April 10,2021
facebook
share this

Bea ibinunyag na biktima siya ng emotional abuse. Pero mahal pa rin nga ba si Gerald?

Reggee Bonoan - April 10, 2021 - 05:46 PM

BEA ALONZO AT GERALD ANDERSON

Tablado si Gerald Anderson sa mga pasabog ni Bea Alonzo sa panayam niya kay G3 San Diego sa Mega Entertainment kamakailan kung saan binanggit ng aktres ang gaslighting na ibig sabihin ay emotional abuse.

Ilang mga taga-industriya ang nakausap namin na nagsabing nagulat sila sa mga sinabi ng aktres at hindi nila sukat akalain na umabot sa ganu’n ang pagsasama nila ni Gerald.

Hindi na namin babanggitin ang mga pangalan nila pero naawa sila sa nangyari sa dalaga.

Ayon sa award winning actress na hindi pa nakatrabaho si Bea pero isa ito sa binanggit niyang may magandang mukha sa showbiz, “loaded ‘yung interview at kawawa naman siya, nakakagulat. Halatang mahal niya si ‘Ge.”

“Kung ako hindi ko na lang binanggit si Gerald, move on na, pero kung ito ang reason para lumuwag ang dibdib niya, okay na rin kasi sobra siyang nasaktan. Ayaw ko sabihing nakakaawa si Bea kasi for sure marami naman silang happy memories. Hindi lang maganda ang paghihiwalay. For Gerald, sana naging man enough siya para maging formal ‘yung break-up nila kahit pa toxic pa sabi niya o lagi silang nag-aaway, at least may closure,” punto de vista naman ng kilalang aktres na hindi pa rin naka-work si Bea dahil sa kasalukuyan ay negosyo nito ang inaasikaso.

Siyempre may nakausap din kaming aktor na parehong kaibigan sina Gerald at Bea at nakatrabaho na rin. “Gets ko ‘yung point ni ‘Ge na umiwas siya sa away kasi sabi nga niya laging away walang mararating. Pero bilang lalaki, akin lang ‘to ah, dapat may closure. Ako bilang lalaki lahat ng nakarelasyon ko, may closure at lahat ng ex ko okay kami.”

Isa pang aktor na kaibigan din nina Bea at Gerald, “Sana nag-usap sila para walang gulo.”

May nagpaalala pa sa aming aktres, “Di ba parang ganyan din ginawa ni ‘Ge kay Kim (Chiu)? Nag-away pa sina Maja at Kim. Good thing bumalik ulit ang friendship nina Maja at Kim.”

Sabi namin na baka sa pagkakataong ito ay hindi na magulo utak ni Gerald at nakita na niya ang kanyang Queen (tawag niya kay Julia Barretto).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending