Seo Ji-hye at Kim Jung-hyun sila na nga ba?
Kinilig ang fans ng sikat na Korean teleserye na “Crash Landing On You” nang lumabas ang balita nitong Huwebes na ang screen couple ay may isang taon na palang palihim na nagdi-date.
Pero ang mga ahensiyang humahawak sa dalawang artista ay kapwa nagsabing walang katotohanan ang balita.
Nauna nang iniulat ng Sports Chosun na sina Seo, 36, at Kim, 31, ay nagkaibigan matapos ang filming ng Korea novela, na ipinalabas mula 2019 hanggang 2020. Mapapanood din ito sa Netflix.
Pagkatapos noon, nagkaroon pa ng special appearance si Kim sa pinakahuling proyekto ni Seo na “Dinner Mate” (2020). Nagkasama rin sila noong 2016 sa “Don’t Dare to Dream.”
Nitong Huwebes, nagpalabas ng pictures ang entertainment news outlet na Dispatch na ipinapakita ang dalawa habang umano’s nasa carpark ng kanilang mga tahanan para sa mga palihim na pagkikita. Marami beses umano na nagkasama na ang dalawa at sabay pang nagdiwang ng kanilang mga kaarawan noong nakaraang taon.
Pero ayon sa Culture Depot, ang ahensiyang namamahala kay Seo, “We have checked with her personally and she said that she is definitely not dating Kim Jung-hyun. We are bewildered.”
Dagdag nito: “Kim Jung-hyun would be looking for a new agency soon, so he met with Seo Ji-hye over this matter. They met at home because of Covid-19.”
Isang source sa ahensiya ni Kim ang nagsabi ring hindi totoo ang chismis. “As far as we know, Kim Jung-hyun and Seo Ji-hye are not dating. They are only maintaining a close relationship as senior and junior after working together in tvN’s Crash Landing On You.”
Maalalang ang mga pangunahing tauhan ng “Crash Landing On You” na sina Hyun Bin at Son Ye-jin ay umamin nang sila ay magkasintahan, isang balitang labis na ikinatuwa ng kanilang mga fans.
Mula sa ulat ng The Staits Times/Asia News Network
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.