September 2020 | Page 35 of 58 | Bandera

September, 2020

Lolong dahon ng saging ang face shield, nakatanggap ng facemask sa pulis

Tunay ngang maraming gamit ang dahon ng saging. Ilang beses na ring nag-viral ang kwento ng mga estudyanteng walang pambili ng papel at ginamit ay dahon ng saging para sulatan. Pero face shield? Sa checkpoint na isinasagawa ng kapulisan sa Cauayan City Police Station sa lalawigan ng Isabela, isang matandang lalaki na nagbibisekleta ang sinita […]

13 pang Pinoy sa abroad, tinamaan ng COVID-19

Nasa 13 ang napaulat na bagong nagpositibong Pilipino sa COVID-19 sa ibang bansa. Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 12, umakyat na sa 10,181 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pilipino mula sa 77 na bansa at rehiyon. Sa nasabing bilang, 2,982 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital. […]

Global death toll ng COVID-19, higit 919,000 na

  Pumalo na sa mahigit 919,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo. Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 919,715 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit. Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 197,421. Sumunod na rito […]

89 kapitan ng barangay, suspendido dahil sa anomalya sa SAP

Suspendido ang 89 punong barangay sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa maanomalyang pagpapatupad nila ng Social Amelioration Program o SAP. Inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga mayor na nakakasakop sa mga kapitan para kaagad na ipatupad ang kautusan ng Office of the Ombudsman na anim na buwang preventive suspension. Bunsod ang […]

Mga positibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 257,863

Halos 5,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas. Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (September 12), umabot na sa 257,863 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa. Sa nasabing bilang, 66,455 ang aktibong kaso. Sinabi ng kagawaran na 4,935 ang bagong napaulat na […]

Pinoy na pumatay ng nobya, laya na matapos patawarin ng emir ng Kuwait

Hindi lamang nakaligtas sa parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagbigti, nakalaya pa ang isang overseas Filipino worker matapos ang 13 pagkabilanggo sa Kuwait. Inihatid pa mismo ni Chargé d’Affaires at Consul General Mohd. Noordin Pendosina Lomondot ng Philippine Embassy sa Kuwait si Bienvenido Espino sa Kuwait International Airport noong Agosto 30 para lumipad ng Maynila. […]

Liza Seguerra, tatakbo nga bang senadora sa 2022?

Tatakbo nga bang senadora sa 2022 election si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Seguerra? Ito ang isa sa mga tanong kay Liza ng entertainment press at vloggers sa ginanap na halos apat na oras na virtual media conference gamit ang Zoom app ng #SineSandaanNext100. Simula mag-quarantine dahil sa coronavirus, ito ang […]

Agusan del Sur niyanig ng 3.6 magnitude na lindol

Niyanig ng 3.6 magnitude na lindol ang Agusan del Sur kaninang 9:45 ng umaga ngayong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Tumama ang lindol may limang kilometro sa kanlurang-silangan ng bayan ng Sibagat. May lalim itong 13 kilometro. Walang anumang naiulat na nasaktan o napinsalang ari-arian sa pagyanig na nagmula sa ilalim […]

Previous           Next
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending