Agusan del Sur niyanig ng 3.6 magnitude na lindol
Niyanig ng 3.6 magnitude na lindol ang Agusan del Sur kaninang 9:45 ng umaga ngayong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Tumama ang lindol may limang kilometro sa kanlurang-silangan ng bayan ng Sibagat. May lalim itong 13 kilometro.
Walang anumang naiulat na nasaktan o napinsalang ari-arian sa pagyanig na nagmula sa ilalim ng kalupaan.
Ang Pilipinas ay nasa tinaguriang Pacific “Ring of Fire” kung saan nagbubungguan ang mga continental plates na siyang nagiging dahilan ng madalas na pagyanig at pag-aalburuto ng mga bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.