Galit na resbak ni Pialago sa bashers ng white sand: Bakit nong madumi ang Manila Bay wala kayong pake
Trending ang komento ni Metro Manila Development Authority Spokesperson Celine Pialago sa Facebook kaugnay sa mga tumutuligsa sa proyektong paglalagay ng white sand sa baybayin ng Manila Bay.
“Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit? Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura? Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow! (emoji angry),” wika ni Pialogo sa kanyang post noong Setyembre 9.
Pinuna ng mga netizens kung bakit mas inuna pang pagkagastusan ng ilang milyones ang white sand project kaysa idagdag sa ayuda para sa mga hindi pa nakatanggap ng tulong pinansyal ng gubyerno ngayong panahon ng pandemya.
Ang proyektong ito ng Department of Environment and Natural Resources ay naglalayong pagandahin ang Manila Bay sa paglalagay ng puting buhangin sa baybayin nito. Nagkakahalaga ang buong proyekto ng P389 milyon.
Ayon pa kay Pialago, “Magko-comment ako, kasi MMDA ang isa sa mga ahensya na araw-araw naglilinis ng basura ng mga balahurang Pinoy at mapanamantalang establisyemento, 30-45 trucks ng basura lang naman ang nakukuha namin noong wala pang rehabilitation sa Manila Bay.”
“Saka pwede ba 2019 pa aprubado ang budget para diyan, huwag niyong ipilit na isinabay yan sa panahon ng pandemya,” aniya.
“Goodness!”
Pero hindi pinalampas ng ilang netizens ang reaksyon ng MMDA spokesperson.
Ayon sa isang pribadong indibduwal na umano’y updated sa pagbabayad ng buwis, “There’s nothing wrong about sa paglilinis. What’s wrong is the prioritization.”
“What’s more important, money for the people who lost jobs due to pandemic? Or to clean and rehabilitate Manila Bay?
“And Yes, the term (balahurang mga Pinoy) that she used is ‘unbecoming’ of a government leader. And how sure she is na ‘yung mga trash na nakokolekta nila is galing lamang sa mga Pinoy?
“Baka nga, 50% doon galing sa mga Chinese na friends ni Digong.”
Mula naman sa isang editor ng publikasyon na mahigit 100 years na, “Di ba puwedeng maglinis lang at ‘wag nang lagyan ng pekeng white sand?”
At tungkol din sa ginamit na terminong “balahura ang mga Pinoy” ang diretsong sabi ng editor, “Pasalamat siya sa mga balahura na nagpapasuweldo sa kanya!”
May taga-MMDA rin kaming nakausap na ang payo naman sa amin, “Not worth our comment. Iba ang mundo niya.”
Baka naman may gustong paliwanag dito si MMDA Spokesperson, Ms Celine Pialago, bukas ang aming espasyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.