MMFF pinalawig, 10 official entry mapapanood hanggang Jan. 14
SINO pa riyan ang hindi pa nakakanood ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024?
Marami pa kayong time para makahabol!
Imbes kasi na hanggang bukas, January 7, extended ang pagpapalabas nito until January 14 ngunit sa mga piling lokal na sinehan lamang.
Sa isang pahayag, lubos ang pasasalamat ni MMDA and MMFF Chairman Atty. Don Artes dahil sa patuloy na pagsuporta sa film fest.
Baka Bet Mo: Juday 3 beses nang Best Actress sa MMFF: ‘Parang ‘di pa totoo, but I’m happy!’
“We, at the MMFF, are overwhelmed with the continued support of the public for the festival’s 50th edition. Due to public clamor, we have decided to extend the theatrical run of the MMFF movies to further showcase the locally produced films that are truly impressive and artistically excellent,” sey ni Artes.
Dahil sa extension, ang MMFF complimentary passes ay ma-e-extend din hanggang January 14!
Umaasa ang MMDA na patuloy na tataas ang kita sa ticket sales ng MMFF 2024.
Ang nasabing film festival ay inorganisa ng MMDA na ang pangunahing layunin ay isulong at pahusayan ang preserbasyon ng pelikulang Pilipino.
Ang mga malilikom mula sa MMFF ay mapupunta sa ilang benepisyaryo ng film industry.
Kabilang na riyan ang Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Samantala, ang official entries na masisilayan sa big screen ay ang “Uninvited,” “And the Breadwinner is…,” “Green Bones,” “Isang Himala,” “The Kingdom,” “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” “Espantaho,” “Hold Me Close,” “My Future You,” at “Topakk.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.