13 pang Pinoy sa abroad, tinamaan ng COVID-19 | Bandera

13 pang Pinoy sa abroad, tinamaan ng COVID-19

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 12, 2020 - 07:20 PM

Nasa 13 ang napaulat na bagong nagpositibong Pilipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 12, umakyat na sa 10,181 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pilipino mula sa 77 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,982 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Sampu naman ang bagong gumaling kung kaya 6,431 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, wala namang napaulat na nasawing Pilipino sa abroad.

Dahil dito, 768 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Pilipino sa labas ng bansa.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na overseas Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,002 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,169 na kumpirmadong kaso.

Nasa 805 naman ang kaso sa Americas at 1,205 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pilipino sa ibang bansa at handang umasiste sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending