PATUNG-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng alkalde ng Noveleta, Cavite, at ilan pa katao para sa umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa 2019-Coronavirus disease (COVID-19). Kinasuhan si Mayor Dino Chua para sa umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa unang kaso ng COVID-19 sa Cavite City, ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac. […]
Si Rudy Gobert, ang kauna-unahang NBA player na nagpositibo sa COVID-19, at ang iba pang manlalaro at staff ng Utah Jazz ay ligtas na sa coronavirus. Ito ang sinabi ng Utah Department of Health matapos na nag negatibo ang panibagong test kay Gobert. Nakumpirma na mayroong COVID-19 si Gobert bago magsimula ang laro ng Jazz […]
UPANG matiyak na hindi na pipiliting ubusin ang pondo para sa mga biyahe pagkatapos ng problema sa coronavirus disease 2019, nais ni AnaKalusugan Rep. Mike Defensor na lagyan ng cap ni Pangulong Duterte ang paggastos nito. Bukod sa panggastos sa biyahe, pwede rin umanong lagyan ng 10 porsyentong cap ang mga panggastos sa seminar at […]
HINULI ng pulisya ang 20 katao na lumabag umano ng ipinatutupad na curfew sa Quezon City noong Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng madaling araw. Ang mga naaresto, isa sa kanila ay menor de edad, ay hinuli sa Brgy. Krus na Ligas at Brgy. UP Campus. Bukod sa ordinansa ng Quezon City ay lumabag din […]
KALOBOSO ang isang babae at tatlong lalaki, isa kanila ay menor de edad, sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Quezon City Biyernes ng gabi. Nahuli ng Novaliches Police sina Veejay Ocampo, 37, Temple June Dela Cruz, 22, Maureen Torres, 43, at ang 17-anyos na si Gilbert. Nagsagawa ng buybust operation ang pulisya alas-9:30 […]
ARESTADO ang lima katao na nagpapalipas ng oras sa pamamagitan ng paglalaro ng Pusoy Dos sa Quezon City noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Karen Calura, 21, Cherryl De Jesus, 46, Anita Mendiola, 46, Catalino Adolfo, 47, at John Hordonez, 59. Nakatanggap umano ng tawag ang pulisya kaugnay ng pagsusugal ng […]
MAHIGPIT ang paalala ng barangay Dasmarinas Village sa Makati City sa pamilya ni Senador Manny Pacquiao at mga kasambahay nito na huwag na huwag lalabas ng bahay dahil sa posibleng na-exposed na ito sa COVID-19. Sa isang sulat kay Pacquiao ng mga opisyal ng barangay, hiniling ng mga ito na manatili lang siya at kanyang […]