ARESTADO ang lima katao na nagpapalipas ng oras sa pamamagitan ng paglalaro ng Pusoy Dos sa Quezon City noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Karen Calura, 21, Cherryl De Jesus, 46, Anita Mendiola, 46, Catalino Adolfo, 47, at John Hordonez, 59.
Nakatanggap umano ng tawag ang pulisya kaugnay ng pagsusugal ng mga suspek. Pagdating ng mga pulis sa Pook Malinis Brgy. UP Campus, ay naabutan umano ang mga suspek na nagsusugal alas-3:20 ng hapon.
Narekober umano sa mga suspek ang isang deck ng baraha at P530 taya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.