Maureen nambiktima ng magtatawas; ‘Mama Asim 2020’ rarampa sa TBATS
“TAWA naman diyan!”
Sa patuloy na ipinatutupad na enhanced community quarantine sa bansa, siguradong mawawala kahit paano ang inyong takot at pag-aalala sa mga bagong pasabog ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).
Tuluy-tuloy pa rin ang mga pampa-good vibes na hatid ng TBATS sa kabila ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Bukas ng gabi, makikigulo sa programa ang Kapuso comedienne na si Maureen Larrazabal kasama ang fun-tastic duo na sina Super Tekla at Boobay.
Si Maureen ang magiging celebrity accomplice nina Boobay at Tekla sa “Pranking in Tandem” segment. Alamin kung paano nila nabikitma ang isang magtatawas plus the surprise appearance ng impersonator ni Ed Caluag.
Samantala, mapapanood din sa TBATS ang pinakabagong beauty contest ng mga mga babaeng may edad 50 pataas, ang “Mama Asim 2020.”
Mapatunayan kaya ng tatlong nanay na hindi pa sila napaglipasan ng panahon sa paghataw sa mga kanta nina Katy Perry, Shawn Mendez, Camilla Cabello at Black Pink? Kaabang-abang din ang kanilang nakakatawang Q&A portion.
Tuloy-tuloy pa rin ang laugh trip tuwing Sunday night kaya tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, March 29, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
* * *
Simula March 30, madaragdagan na ang mga dekalidad na palabas na mapapanood sa nangungunang GMA Afternoon Prime.
Bukod kasi sa top-rating series na Ika-6 Na Utos, magbabalik sa telebisyon ang mga GMA Telebabad hits na Onanay at Alyas Robin Hood.
Mapapanood pa rin ang Ika-6 na Na Utos, 2:30 p.m., Lunes hanggang Sabado. Susundan ito ng Onanay, 3:20 p.m., Lunes hanggang Biyernes.
Ang unang season naman ng Alyas Robin Hood ang mapapanood tuwing 4:10 p.m., Lunes hanggang Biyernes.
Laging tumutok sa GMA para sa inyong mga paboritong serye pati na sa patuloy na mga ulat tungkol sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.