HINULI ng pulisya ang 20 katao na lumabag umano ng ipinatutupad na curfew sa Quezon City noong Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng madaling araw.
Ang mga naaresto, isa sa kanila ay menor de edad, ay hinuli sa Brgy. Krus na Ligas at Brgy. UP Campus.
Bukod sa ordinansa ng Quezon City ay lumabag din umano ang mga hinuli sa Section 9 ng Enhance Community Quarantine sa ilalim ng Presidential Proclamation 922.
Ang mga hinuli ay sina Renato Casipi, 25, Val Tobias, 32, Gilbert Pama, 19, Antonio Fragilan, 42, Elmer Salvacion y Mansueto, 25, Jomar Malpal, 22, John Xell, 16, Jar-ar Paa y Sison, 20, Jerome Favillion, 24, Edcel Aguilar, 26, John Carlo Velasco, 29, Edmundo Garcia, 32, Gino Marit y Potes, 23, Anjo Potes, 23, Mark Anthony, 27, Jessie Boy Babao, 33, Mark Ryan Aguilar, 33, Randolp Menes, 20, Andrew Jabaybay, 18, at Emilio Esteban y Marciano, 42.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.