MAHIGPIT ang paalala ng barangay Dasmarinas Village sa Makati City sa pamilya ni Senador Manny Pacquiao at mga kasambahay nito na huwag na huwag lalabas ng bahay dahil sa posibleng na-exposed na ito sa COVID-19.
Sa isang sulat kay Pacquiao ng mga opisyal ng barangay, hiniling ng mga ito na manatili lang siya at kanyang pamilya at mga kasambahay sa kanilang tahanan dahil tinukoy na ang senador bilang person under monitoring for possible COVID-19 infection, dahil nakita siyang kasama si Senador Koko Pimentel na nagpositibo na sa nasabing sakit.
“You have been identified as a person under monitoring after the picture of you and [Senator Aquilino] Koko Pimentel in your house seen partying together went viral. Many of your colleagues in the Senate have been identified to be COVID positive. Therefore, you have to be quarantined at your own house,” ayon sa Barangay Dasmariñas.“For your own family and household’s safety, please have yourself self-quarantined, stay home. No one including any of your household can come out,” dagdag pa nito.
Ito ay base na rin anila sa rekomendasyon ng isang doktor mula sa Makati Medical Center na nakatira rin sa nasabing village.
Sa kabila nito, sinabi ng barangay na sila na ang bahalang mag-deliver ng mga kakailanganin ng pamilya Pacquiao kung may nais silang ipabili.
Samantala sinabi naman ng special assistant ng senador na si Jayke Joson, kahit anya walang paalala ang barangay ay tumalima na ang senador sa self-quarantine rules.
“Confirm ‘yan kahit hindi sila magbigay notice eh mas nauna pa si Sen. MP (Manny Pacquiao) mag self-quarantine,” Joson said.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.